"Talaga bang lilipat ka na at hindi mo na kukunin ang ibang gamit mo rito? Pati na rin ang advance payment mo at deposit?" paninigurado ni aling Kuring. Malakilaki rin kasi iyon 'no, 12 thousand pesos din yon pero dahil sabi nga ni Caeden ay huwag niya na kunin ay hindi niya na kinuha. Tulong na rin niya iyon kay Aling Kuring. "Opo Aling Kuring. Okay na po 'yan. Gamitin niyo na lang 'yan kung may ipapaayos sa ni-rentahan ko. Pero wala naman pong sira, sigurado po ako ron." "Oh siya, sige. Salamat dito at malaking tulong din sa akin. Naway pagpalain ka pa ng diyos at guminhawa pa ang buhay mo," mahabang litanya nito. Ngumiti siya rito at tumango. Hindi na rin siya nag tagal at umalis na roon. Gusto niya lang talaga magpasalamat at kausapin ng maayos si Aling Kuring. Pagkalabas niya sa

