Dazzle's POV Nandito kami sa tabing dagat, nakahiga lang kami sa recliner na dinala namin dito. Nakatingin kami sa kalangitan habang masaya kaming nag-uusap na mag-pinsan. "Nakita kita kanina sa silid ni Candice." ani ng pinsan ko. Tumawa ako ng pagak at tinungga ko ang bote ng beer. "Chismoso ka. Bilyonaryong chismoso!" ani ko sabay tawa niya ng malakas kaya dumakot ako ng popcorn at ibinato ko sa kanya na ikinatawa niyang muli. "Kakatukin sana kita pero naririnig kitang umuungol. Minanyak mo?" wika niya. Natahimik naman ako at naupo sa recliner ng naka cross ang mga binti ko sa recliner. Tumungga akong muli ng beer at muli akong nagsalita. "Hindi ko magawa. Sinubukan ko pero hindi ko magawang gawin sa kanya ang mga ginagawa ko sa mga babaeng palipasan ko ng init ng katawan." wika ko

