MY NINONG

792 Words
--- CHAPTER 01 : BAGONG SIMULA Tahimik lang si Rachel habang nakasandal sa bintana ng sasakyan, pinagmamasdan ang mga pamilyar na kalsada na unti-unti nang naglalaho sa paningin niya. Ang bigat sa dibdib niya, parang may kung anong bumabalot sa kanya na hindi niya maipaliwanag. “Anak, okay ka lang ba?” tanong ng kanyang ama habang nakatutok ang mata sa daan. Hindi agad sumagot si Rachel. Pinisil niya ang strap ng bag niya, saka bumuntong-hininga. “Pa… sigurado ka ba dito? Kay Ninong Hector?” “Rachel,” seryosong sabi ng kanyang ama. “Wala naman akong ibang mapagkakatiwalaan dito. At least doon kay Ninong mo, alam kong safe ka. Mabait ‘yun. At malapit sa university mo.” Hindi pa rin mapakali si Rachel. Mula pagkabata, bihira lang niyang makita si Ninong Hector — sa mga Christmas gathering, minsan sa binyag, pero hindi niya talaga ito nakasama ng matagal. Ang alam lang niya, medyo tahimik ito, may pagka-strikto, at may sariling bahay sa Quezon City. Nang huminto ang sasakyan sa harap ng malaking bahay, parang lalo siyang kinabahan. May kalumaan ang bahay pero halatang maalaga — may malawak na bakuran, may porch swing, at mga halaman sa gilid ng gate. Bumukas ang pinto, at lumabas si Ninong Hector. Matangkad, medyo mestizo, at kahit may halong puti na ang buhok, may dating pa rin. May lalim ang mga mata nito na parang kayang basahin ang iniisip mo. “Rachel,” bati nito, sabay abot ng mahigpit na yakap. “Ang laki mo na ah. Pasok ka, iha.” Parang may kilabot na dumaan sa katawan ni Rachel. Hindi niya alam kung dahil ba sa lamig ng hangin o sa matinding kaba. Pumasok siya sa loob ng bahay — tahimik, maayos, at amoy kape at lumang libro. “Magaan lang dito,” sabi ni Ninong Hector habang tinuturo ang guest room niya. “May rules ako, pero kaya mo ‘yun. At habang nandito ka, gusto ko rin ng respeto.” Tumango si Rachel. “Opo, Ninong.” Pero habang naglalakad siya papunta sa kwarto, hindi niya mapigilan ang sarili na mapaisip… Ano nga bang klaseng buhay ang naghihintay Sakin dito Pagkapasok ni Rachel sa kwarto, isinara niya agad ang pinto at sumandal dito. Bumuntong-hininga siya nang malalim, pilit nilalabanan ang kaba na kanina pa kumakabog sa dibdib niya. Simple lang ang kwarto — may single bed, isang maliit na study table, at bintana na tanaw ang garden sa likod ng bahay. Malinis, maaliwalas, pero iba ang atmosphere. Hindi niya alam kung dahil ba bago ang lahat o dahil kay Ninong Hector mismo. Tangina, ano ba 'tong pinasok ko? bulong niya sa sarili. Binuksan niya ang bag niya at inilabas ang cellphone. May tatlong missed calls at isang message mula sa bestfriend niyang si Mia. Mia: Bes, kamusta na? Nandiyan ka na? Gwapo ba si Ninong? Hahaha Napailing siya, napangiti ng bahagya. Mia talaga. Nag-reply siya ng mabilis. Rachel: Hayop ka. Oo na. Nandito na ako. Medyo creepy pero okay naman. Gwapo pa rin, ampota. Hindi pa siya nakakapatong ng cellphone sa table nang may kumatok sa pinto. Tok. Tok. “Rachel, iha. Kain ka na. Nasa dining table na ako,” malalim at seryosong boses ni Ninong Hector. “Okay po, Ninong! Susunod na po ako.” Pagbukas niya ng pinto, parang bigla siyang kinabahan ulit. Nakatayo sa hallway si Ninong, naka-sando at shorts lang. Halatang bagong ligo — basa pa ang buhok at amoy sabon. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapatingin saglit. Shit, ang lakas maka-daddy vibes, bulong niya sa sarili, saka agad binawi ang tingin. “Nandito lang ako sa baba, iha. Huwag ka nang mahiya,” sabi nito, saka tumalikod at bumaba. Nilamig ang palad ni Rachel habang naglalakad papunta sa kusina. Pagdating niya sa dining area, simple lang ang lamesa — may sinigang na baboy, pritong tilapia, at kanin. Kumpleto. Parang pamilya talaga. “Upo ka na,” utos ni Ninong habang naglalagay ng kanin sa plato niya. Tahimik lang si Rachel habang kumakain, paminsan-minsan nagkakatinginan sila ni Ninong Hector. Parang may bigat sa hangin na hindi niya maipaliwanag. Hindi naman bastos si Ninong, pero may something sa paraan ng pagsulyap nito na parang… ibang klaseng tingin. “Iha,” basag ni Ninong sa katahimikan. “Walang curfew dito, pero iwasan mo nang gabihin sa labas. Lalo na’t babae ka. Ayoko ng may problema.” “Opo, Ninong,” sagot niya. Pagkatapos ng hapunan, hinugasan na niya ang pinagkainan at umakyat sa kwarto. Pagpasok niya, humiga agad sa kama at tumitig sa kisame. Tangina, anong klaseng adventure 'to? Hindi niya alam kung excitement ba ‘tong nararamdaman niya o takot. Pero isa lang ang sigurado siya — hindi magiging boring ang mga susunod na araw dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD