EnjoyReading:) "MAIKA, please. Magpapaliwanag ako." Mahinang sabi niya. Pinarada niya ang sasakyan niya sa gilid dahil kinakabahan siya. Hindi siya tinitignan ni Maika kaya mas kinabahan siya. Hinawakan niya ang kamay ni Maika pero tinanggal 'yun ng nobya niya. Magulat siya dahil duon. Kinabahan nalang siya ng biglang lumabas si Maika sa kotse niya at nagmamadaling lumayo sa kotse niya kaya nagmamadali niya itong sinundan. "Maikaela! Baby!" Tawag niya dito at hinabol ito at hinila pero pagkaharap na pagkaharap ni Maika sa kanya ay sinalubong siya ng malakas na sampal. "Manloloko ka." Malamig na sabi ni Maika sa kanya kaya napatingin siya dito. Namumula ang mga mata nito at nagbabadya ang mga luha sa mga mata nito. "Please, baby, let me explain." Mahinang sabi niya dito at hinawakan

