EnjoyReading? NASA SOFA lang silang dalawa ni Nicxon, nakaupo at nakamasid lang sa Mommy at Daddy ni Nicxon na naguusap. Ayos naman na ang lagay ni Papa at hindi naman nagkaroon ng damage sa utak niya. Bumulong siya kay Nicxon dahil mukang hindi makakapag usap ng maayos ang mga magulang nito kapag nandito silang dalawa ni Nicxon dahil patingin tingin ang mommy at daddy ni Nicxon dito. "Baby prof. Labas na muna tayo." Malambing na sabi niya at hinalikan ang pisngi nito kaya agad namang sumunod. Lumabas sila na hindi na nagpaalam dahil mukang masinsinan na naguusapan ang dating mag asawa. Sana ay magkabati na ang mga ito para kay Nicxon. Naaawa siya sa mapapangasawa niya dahil eamdam niya na kahit na tahimik lang ito at ayaw na pag usapan si Papa. Ramdam na ramdam niya na malaki ang kul

