Chapter 07

2309 Words
EnjoyReading:) MASAMA ang tingin ni Maikaela kay Nicxon habang nakikipag tawanan ito sa mga kasamahan nitong mga professor. Magkatabi sila nung bruhang Kath at paminsan minsan ay bumubulong sa tenga ni Nicxon. At ang bwisit niyang boyfriend tatawa tawa pa at bubulong din kay Kath. "Alam mo, awang awa na ako dyan sa spaghetti." Napatingin si Maikaela kay Josh dahil nagsalita ito. Bago niya tignan ang spaghetti na kakainin niya sana. "Mas maawa ka kay Kath pag binasag ko 'yung muka niya." Sabi niya at kinuha 'yung ice tea at uminom dahil nagngingitngit ang mga ngipin niya sa inis kay Nicxon lalo na kay Kath. Tang ina'ng Nicxon, subukan niya lang akong lokohin agad. Puputulin ko 'yung bundot sa harapan niya. "Sino nanaman bang kaaway mo? Kath? Sinong Kath?" Tanong sa kanya ni Josh. Bwisit siyang tumayo at padabog na umalis. Hindi na niya sinagot 'yung tanong ni Josh. Napatingin muna siya kay Nicxon at Kath! Tang ina niyong dalawa. Napangisi nalang siya ng may maisip na plano kung paano niya mapapasama sa kanya si Nicxon ngayon. Nagmamadali siyang pumuntang office ni Nicxon. Maghalughog sa mga files na nasa mesa nito. Nagbabakasakali na makita niya ang contact number nito sa mga files sa nandon. "Got yah, baby." Nakangisi niya sabi bago niya tinype sa phone call niya para tawagan. Kaso hindi nito sinasagot ang tawag niya kaya nagtext nalang siya dito. Hoy Nicxon! Kapag hindi ka pa pumunta dito sa office mo at patuloy kang nakikipaglandian sa higad na katabi mo. Gugulohin ko mga gamit mo dito. Pagkasend na pagkasend niya palang ilang minuto lang ay bumukas ang pinto ang niluwa nito si Nicxon. Habang madilim ang mukang tumingin sa kanya. Relax at nakacross leg siya sa sofa at nakaharap dito ng nakangisi. Masunudin din naman pala ang boyfriend ko. "What do you want?" Nakakunot na tanong nito sa kanya. "May klase ka di ba? What do you doing here? What do you want?" He asked. Nakapout siyang tumayo at lumapit kay Nicxon. Nang makalapit na siya kinawit niya ang mga kamay sa leeg ng binata at nakangiting tumitig dito. "I missed you." Malambing na sabi niya dito. Napabuntong hininga naman si Nicxon at nagtangkang ialis ang pagkakakawit niya sa leeg nito ng mas higpitan niya yun. "Bakit mo aalisin? Mas gusto mong kumawit sayo si Kath? Nanlalambing nanga ako sa boyfriend ko eh! Tsaka 'di ba kanina lang naging tayo!? Dapat nagdedate tayo!" Naiinis na sabi niya dito. "Tigilan mo nga ang pagsasabi ng kung ano kay Kath. Ang tapang tapang mo masyado." Iritang sabi nito sa kanya. "Aba! Lalaki! Malandi ako, kaya alam ko kung sino ang mga kauri ko. Kaya manahimik ka dyan kasi baka maputulan ka talaga." Naiinis na sigaw niya dito. Pinagtatanggol pa ni Nicxon si Kath kaya inis na inis siya dahil sa pinagsasabi nito. Pagbuhulin ko silang dalawa eh! "Gusto mo bang putulin ang nagpapaligaya sayo?" Nakangisi naman na tanong nito sa kanya. Napatigil si Maikaela dahil sa sinabi sa kanya ni Nicxon. Kaya ba niya? Kaligayahan niya 'yun. Hindi pwedeng mawala 'yun. "Hindi syempre." Sabi niya at umirap kay Nicxon. Hinila naman siya ni Nicxon patayo at naglalambing na yumakap sa kanya. Bakit biglang naging maamo si Nicxon sa akin? Ayaw nitong maging girlfriend ako! Siguro nafall na sa akin! Ganda ko kasi eh! "Pumasok ka na. Baka 'di ko mapigilan ang sarili ko. I'm hard already." Sabi nito sa kanya. Kumalas siya sa pagkakayakap ni Nicxon at pabagsak na naupo sa sofa. Tinanggal niya ang kanyang heels. "Ayaw ko nga. Tsaka nakakatamad mag aral. Ang boring magturo ng mga prof ko." Sabi niya. Nahiga siya sa sofa habang nakapikit ang mga mata niya. "So boring akong magturo?" Iritang tanong ng binata. Nakangisi naman siya dahil kahit hindi niya makita ang muka nito. Alam na niyang masama ang tingin nito sa kanya habang kunot ang noo nito. "Hindi. Nakakaturn on ka magturo. Nawewet ako." Pangangasar niya kay Nicxon. Napamulat siya ng mga mata ng pumatong sa kanya si Nicxon at titig na titig sa kanya. "What the f**k. Pwede bang preno preno din konti, masyadong wild 'yang bunganga mo." Nakangising sabi nito sa kanya. Binasa nito ang mga labi bago nagsalita ulit. "Naninigas siya." Sabi nito. Nakuha niya agad ang ibig sabihin nito dahil may matigas na tumatama sa legs niya. Matigas! Kinabig niya ang leeg ni Nicxon at hinalikan ang binata ng marahas. May karapatan na akong gawin ito eh Bumaba ang halik ni Nicxon sa leeg niya at dinidilaan at kinakagat nito ang leeg niya. Kahit init na init na siya pinilit niyang pigilan ang sarili niya. Tinulak niya si Nicxon kaya nahulog ito sa sofa. "f**k! Tang ina ang sakit!" Sigaw nito, nakangisi naman siya at umupo at hinawakan ang pisngi ni Nicxon at hinalikan niya ito ng mabilis sa mga labi. "Pasok na ko sa next class ko prof." Sabi niya at sinuot 'yung heels niya at nagmamadaling iniwan si Nicxon habang namamalipit sa sakit. Pagkalabas na pagkalabas niya ng office ni Nicxon. Nakita niya si Kath nagtataka itong tumingin sa kanya. Ngumiti lang siya ng nakakainsulto. Bitch, kung malandi ka, mas malandi ako. NAGHIHINTAY si Maikaela sa labas ng building ng condominium niya. May date sila ni Nicxon ngayon. Nagtext siya kay Nicxon na magdate sila at tinext din niya ang address at duon nalang siya sunduin. Hindi na kasi sila nagkita ni Nicxon kanina kasi tumakas nanaman siya para mag aliw aliw. Ang tinext niya kay Nicxon ay 7:00 ng gabi kaso 8 na wala padin ang binata. Inis na inis na siya dahil masakit na din ang paa niya dahil sa 8 inches niyang heels. Simpleng color red backless fitted dress lang ang suot niya at pinaresan niya ng red pointed heels. May dala siyang maliit na shoulder bag para sa cellphone at atm card niya lang. Naiinis na tinawagan niya ang binata dahil inis na inis na siya! "Hell------"......."Where are you? Susunduin mo pa ba ako?! Kanina pa ako naghihintay sayo Nicxon!" Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita ang binata at binungangaan na niya ito dahil sa inis. "Hindi kita masusundo, may meeting kaming laha------"......"f**k you!" Sigaw niya at naiinis na pinatay ang tawag! Nakita nalang ni Maikaela ang sarili sa loob ng bar. Hindi sa bar ng Jumbo Hotdog ayaw na niya dun. Mamaya makita niya 'yung babaeng nakakandong noon sa mga hita ni Nicxon. Pinatay niya 'yung phone niya dahil sunod sunod itong tumunog kanina. Text at tawag ng tawag sa kanya si Nicxon. Sana sinabi nito ng mas maaga, edi sana hindi siya mukang tangang naghihintay at halos papakin na siya ng lamok kanina. "Hi miss." May lalaking tumabi sa kanya. "I'm with Mr. Nicxon Villa Fuerte." Sabi niya at dali daling umalis 'yung lalaki sa tabi niya. Ewan niya dahil pang bente na ata 'yung lalaking 'yun na lumapit sa kanya. Hindi niya alam kung bakit niya dinahilan na kasama niya si Nicxon kahit hindi niya alam kung anong mangyayari pagkatapos. Aalis agad ang mga lumalapit sa kanya pag sinasabi niya ang pangalan ni Nicxon. "Bakit nandito ang bessywap ko?" Nagulat siya ng makita si Josh dito sa bar! "Ba't nandito ka?!" Gulat na tanong niya at niyakap si Josh. Ewan niya ba miss na niya ang kakulitan ng binata. "'Wag mong sagutin ang tanong ng isa pang tanong. Ba't nandito ka? 'Di ba sa Jumbo Hotdog ka lagi?" Sabi nito at ininom ang vodka niya. "Hoy! Akin 'yan!" Nakapout na sabi niya. Nakita naman niya ang paglukot ng muka ni Josh dahil sa Vodka na ininom. "f**k! Kapait!" Sigaw nito at humingi ng tubig sa waiter na dumaan.. Tumawa naman siya ng malakas dahil sa itsura "Pang Wine kalang bobi boy!" Tumatawang sabi niya dito dahil pait na pait ito sa lasa ng alak na iniinom niya. "Ang tatapang ng iniinom mo!" Sigaw nito bago uminom ng tubig na binigay ng waiter. "Oh, bakit kanga nandito? Dahil nanaman ba kay Cassie?" Tanong niya at nakita niya kung paano nagningning ang mga mata ni Josh. Tsk mahal na mahal niya na talaga si Cassie. IMBIS na si Cassie ang alalayan ni Josh, ang magaling niyang bestfriend ang inaalalayan niya dahil lasing na lasing ito. Ang maganda lang kay Maika hindi ito pala salita pag lasing ito. Tahimik lang ito na para bang naninibago sa lugar kung nasaan ito. Wala malalabas na sekreto ang babae dahil hindi ito pala salita pag lasing. Madami talaga itong nakakagulat na ugali. Kung hindi lang nakakatandang kapatid ang turing niya dito maiinlove siya sa katangiang meron ito. Kaso may Cassie na siya. Nang nasa labas na sila ng building kung nasaan ang condo ni Maikaela nakita niya si Prof Nicxon na kinakausap ang guwardiya. "Oh, sir nandito na po pala si Ms. Bernardo. Pasensya na po talaga sir wala po kasi kayo sa list ng names na pwedeng papasukin sa condo ni Ms. Bernardo." Sabi nung guwardiya na nagpakunot ng noo niya. Bakit naman niyo hahanapin si Maika? Nang nagtama ang paningin nilang dalawa ng prof niya. Nakita niya ang pagdilim at pagkuyom ng kamao nito. Hindi siya tanga para hindi mahalata kung bakit ganon ang naging reaksyon ng prof niya. "Prof. Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong niya habang bigat na bigat na kay Maikaela dahil buhat buhat niya ito dahil tulog na. Magpapanggap siya na wala siyang nahalata. Hihintayin niyang si Maikaela ang umamin sa kanya kung ano ba talagang relasyon nito sa prof nila. "Kakausapin ko lang sana siya na dalhin ang mga magulang niya bukas, dahil bagsak ang grade niya sa akin." Kalmado lang na sabi ng prof niya at tumingin kay Maikaela. "Ahm, prof sasabihin ko nalang ito sa kanya bukas, lasing kasi ito eh, sorry nalang po sa abala." Sabi niya at tumingin sa guwardiya. Kaso gumalaw si Maikaela kaya pinatibay niya ang mga braso niya dahil baka bumagsak si Maika. "Ulupong! 'Wag ka ngang makulit bibigwasan kita dyan, ang bigat bigat mo!" Sigaw niya bigla naman nag pout si Maikaela at mas isiniksik pa nito ang muka sa leeg niya. "Kuya guard kilala po namin siya. Una na po muna ako Prof. Ang bigat nitong buhat ko." Sabi ko at pumasok na sa loob ng building. Nang makapasok na siya sa condo ni Maika binagsak niya agad si Maika sa sofa nito. Grabe, adic na adic talaga ito sa kulay Red. Halos lahat ng gamit nito sa condo nito ay kulay red. 'Yung buhok nga nito hindi niya pa pinapalitan ng kulay. Tsk, masyadong sexy ang damit ni Maikaela, nakapa ikli. "Bahala ka na nga dyan." Sabi niya at lumabas na sa condo nito. Nakailang bote ng alak nainom nito. MADILIM ang mukang nakatingin siya sa building ng condominium ni Maikaela. Hindi niya alam kung paano siya makakapasok dahil mahigpit ang bantay nito. Nanginginig ang mga kamao niya ng makita niya kung gaano kaikli at kasexy ang suot ng dalaga. Fuck! Nakita niya pa kung paano ito sumiksik sa leeg ng Josh na 'yun. Paano ko siya mapafall sa akin kung may lalaking aaligid! Wait itetext ko si Mateo! Ah f**k! Bullshit! Nasa bakasyon pala si Mateo! Paano ko siya itetext o tatawagan eh wala naman silang cellphone sa resort niya! Paano ako makakapasok?! Naghintay lang si Nicxon ng ilang minuto ng may mamukaan na papasok sa building. Naging babae niya ito sa bar niya. Nagmamadali siyang lumabas para malapitan ang babae. "Babe." Nakangiti niyang tawag. Hindi na kasi niya maalala ang pangalan nito. Tumingin siya sa damit itong nakulangan sa tela at tinignan ang relo niya. 1:56 na ng madaling araw . Fuck! "Hey, what are you doing here?" Mapang akit na tanong nito. Umakbay naman siya dito. "Nag hahanap ako ng babae ngayon. Gusto mo ba?" Nakangisi niyang tanong dito. Nakita naman niya ang nakakaakit na ngiti nito at yumakap sa leeg niya. Naku, pagnakita ito ni Maikaela, sure siyang magwawala ito at aawayin niya ang babaeng yumakap sa kanya. Kinalas niya ang pagkakayakap ng babae sa leeg niya. "Tara na sa condo mo." Nakangiti niyang sabi sa babae. Nakangiti ang babae ng pumasok sila sa loob ng building. Nginitian niya 'yung guard pagkatapos ay sumunod sa babaeng hindi naman niya kilala "May kilala kabang Maikaela Heart Bernardo?" Tanong niya dito ng nasa loob na sila ng elevator. Nagbabakasakali siyang kilala nito ang babae. "Ah, tsk bakit naging babae mo din ba 'yun? Oo, magkalapit lang 'yung condo namin. Tsk, bwisit ang babaeng 'yun. Mang-aagaw ng boyfriend." Inis na sabi nito. "Anong floor niya at number ng condo niya?" Tanong niya at hinalik halikan niya 'yung leeg ng babae. "20 at number 115." Sabi nito at tumingala at hinatak pa lalo 'yung ulo niya para idiin sa leeg nito. Kaso biglang bumukas na 'yung elevator . "Maikaela oh, ba't balot na balot ka saan punta mo?" Tanong ng kasama niyang babae kaya lumayo siya sa babae kaso huli na kasi alam niya na nakita 'yun ni Maikaela. Masama ang tingin sa kanya ni Maikaela. Bigla siyang natakot ng makitang ngumisi ito at tumingin sa babae niyang kasama. Umatras ito para padaanin sila. "Ingatan mo 'yan ah baka maagaw ko sayo ulit. Kawawa ka naman." Nakangising sabi ni Maikaela.. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng takot. Nung huli niya itong maramdaman 'yung may minahal na iba 'yung babaeng mahal na mahal niya. "Alam mo inggetera ka talaga kasi ako maraming gwapong lalaking nakakasama." Sabi nung babaeng kasama niya. Nakatingin lang siya kay Maika. "Tanungin mo nga sa kanya kung sino ako sa kanya." Sabi ni Maikaela at tinuro siya. Tumingin naman sa kanya 'yung babaeng kasama niya "I'm so sorry Miss. She is my girlfriend and She's Mine." Sabi Nicxon at humawak sa bewang ni Maikaela.. Bumulong si Maikaela sa kanya. Napalunok siya ng ilang beses dahil dun. "Maghanda na 'yang alaga mo mamaya. Magtutuos kaming dalawa." - - - - - Please READ, VOTE & COMMENT
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD