EnjoyReading:) "SERYOSO KABANG SASAMA KA?!" Malakas na tanong niya kay Nicxon. Nasa harap siya ng isang malaking salamin sa walk in closet niya. Simpleng red dress above the knee lang ang suot niya at tinernuhan din niya 'yun ng 4 inch pointed heels. Hindi naman ganon kakapal ang make up niya. Nilaban nalang niya sa kilay at mapulang labi. Lumabas siya at nakita niya si Nicxon na naka blue v-neck t-shirt lang at black ripped jeans. Hawak naman nito ang black jacket. "Bat ganyan suot mo?!" Tanong agad sa kanya ni Nicxon ng makita siya. Kinunutan niya lang ito ng kilay. "Eh, ano naman? Tsaka dinner date ang pupuntahan natin hindi club," Inis na sabi niya kay Nicxon. Hindi bumagay ang ayos nito sa suot niya. "'Wag ka nalang sumama kaya. Nandun si Kuya at Old man." Sabi niya at napairap k

