EnjoyReading:) NAPAKUNOT noo si Nicxon ng marinig niya ang malakas na pagtawa ni Harvey dahil sa sinabi niya. Inamin niya lang naman na in love na siya sa kapatid nito pero tinawanan lang siya nito. Inis na nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa pagtawa ng binata. "'Wag mo akong gaguhin Villa Fuente," nakangisi nitong sabi sa kanya. "Kapatid ko ang pinauusapan natin dito and don't you dare lie to me." Seryosong sabi nito sa kanya kaya napakuyom siya ng kamao. "Nandito ako para makipagayos sayo, man. Hindi maayos ang relasyon namin ni Maika dahil iniisip ka niya. Come on, ibaon nalang natin sa limot ang nangyari." Seryosong sabi niya dahil unti unti nanaman siyang nilulukob ng galit niya. "Ibabaon sa limot? Kung para sa akin lang kayang kaya kong gawin 'yun pero sayo? I don't think so

