EnjoyReading:) NAKATINGIN lang si Maika kay Nicxon na tahimik na nangingisda. Nasa isang bato silang dalawa, malayo sa dalampasigan, sumama siya kahit lumalayo sa kanya si Nicxon. Pinigilan niyang mapaluha dahil alam niyang nawala na ang pagkasabik sa kanya ni Nicxon. Nandidiri na ito sa kanya kasi hindi man lang siya nito matitigan ng matagal. Umiiwas din ito sa kanya. Umalis siya sa isang malaking bato at lumangoy papunta sa buhanginan. Baka maiyak nalang siya bigla dun at makita pa siya ni Nicxon. Kagabi paulit ulit na pumapasok sa isip niya ang pagbaklas nito ng pagkakayakap sa kanya at tumayo para pumuntang kusina. Alam niyang palusot lang 'yun ni Nicxon para makalayo ito sa kanya. Hinintay niya ng ilang oras si Nicxon kaya napagdesisyonan niyang sundan ito pero mas nasaktan siya

