C 1

1159 Words
CHAPTER 1 Hindi maipinta ang mukha ni Daddy nang ihatid nila ako sa airport. Nakangiti ako habang nakamasid sa kabuuan ng lugar. This is EGA. Papalipad na ako papunta kay Daddy Caine ngayong araw, tulad ng napagkasunduan nila ni Mommy. Dito ko gusto, hindi sa private plane namin. Gusto kong maging normal na pasahero. Wala akong bodyguards, wala akong driver. Pagdating doon, may sarili akong disposisyon. Hindi ako ang mala-prinsesa na anak ni Jix de Lorenzo. I am just an ordinary student. Excited ako rito sa magiging buhay ko, as an independent woman. Malayo ako sa Mommy ko at sa Daddy ko. Nasa akin ang susi ng bahay ni Caine. I believe, ibinigay niya talaga iyon sa Mommy ko dati pa, para raw anytime na lumipad kami sa lugar na iyon at wala siya, may matutuluyan kami. “Dad, give me hug now.” Sabi ko nang balingan ko si Dad. Tumingin lang siya sa akin na para bang gusto niyang bawiin ang pagpayag na ginawa niya sa hiling ko. Kilala ko na ang mga tingin na ganito ng Daddy ko. “You behave, Nassy. This is the first time I’ll let you live on your own. If not because Caine was there, I would not allow you to study there alone, without us." Tumango ako. I know right. Most of my friends tend to live apart from their parents when they reached 18. Ako ay hindi nabigyan ng pagkakataon na matulad sa kanila. Ayaw ni Dad na bumukod ako. He still practices the old traits. Hindi siya moderno. Kahit daw isandaan na ang apo niya ay dun pa rin ako sa kanila ni Mommy. That was so sweet. Naa-appreciate ko ang ganun na pagmamahal ni Dad sa akin. Kahit na kinakantyawan ako ng mga lalaking hindi sa akin makaakyat ng ligaw, wala akong pakialam. Pinoprotektahan lang ako ng Daddy ko. Hindi iyon pagiging kill joy dahil naranasan ko rin naman na pinapayagan na lumabas, ako lang itong madalas ay walang interes na gumimik. I’d rather rot inside my room, reading my romance novels than dance with some stinky men, drowned in alcohol. “Ipanatag na natin ang loob natin, kay Nassy, Dad,” masuyo na hinaplos ni Mommy ang braso ng Daddy, “Baka kaka-landing pa lang ng eroplano ay pamatay na ang tawag mo." Natawa kami habang si Dad ay Napabuntong-hininga. “I’ll expect an update, sweetheart. I will not call. You will,” duro ni Dad sa dulo ng ilong ko. Tumango ako, at sa pagkakataon na ito ay niyakap na niya ako at hinalikan ako sa noo. This is my first travel alone. Usually, I travel with them or with my cousins. “Bye, Mom,” paalam ko sa Mommy na nakangiti sa akin. Hila ko ang luggage habang nakalingon sa kanilang dalawa. I feel sad all of a sudden but I broadened my smile. “You take care, anak, ha?” malambing na paalala sa akin ni Mommy kaya naman kinindatan ko siya para hindi na siya nag-alala. Sana pala ay mag-anak pa sila para naman may mapaglibangan. I formally walked, and when I reached the door, kung saan talagang papalabas na ako ng departure area ay muli akong lumingon. Para ng pinukpok ang puso ko nang makita ko ng umiiyak ang Mommy ko. By this time, akbay na siya ni Daddy, at halos sumubsob na siya sa dibdib nun. “Babye! See you! I love you both!” malakas na sabi ko saka ako kumaway. Dad waved goodbye to me as well, and that was when I stepped out. Mabigat bigla ang dibdib ko pero wala ng atrasan ito. CAINE I WINCED. Biglaan ang naging pagbangon ko nang maramdaman ko ang tindi ng vibration ng cellphone ko sa ibabaw ng bedside table. “Aw!” daing ng babaeng nakaunan sa braso ko pero nalingon ko lang ito, kasabay ng pagkirot ng sentido ko. Daig ko ang parang parating nasa gyera sa tindi ng reflexes ko. I still and I will always damn act this way. Bakit? Dahil pakiramdam ko ay parati akong may kaaway, at parati na handa akong pumatay. In my place, I always help my neighbors. Dinaig ko pa ang mga pulis sa bilia kong rumespo kapag may mga taong nangangailangan sa paligid ko. Saludo sa akin ang lahat ng mga kapitbahay ko. Malaki ang paggalang nila sa akin, kahit na ako ay hindi iginagalang ang sarili ko. Kunot-noo kong tiningnan ang aparato, at literal na parang pumutok na lobo ang antok ko. I am still so tired. I exhausted myself in s*x. I met this woman last night night when I attended a party, a pool party of one of my former clients. She is Sue. She is pretty, sexy and hot. Damn. Masarap siya sa kama at nag-enjoy ako. Sabi niya, dati siyang nasa US Air force. And she used to see me. Hindi ko siya matandaan. Ngayon naman ay propersora na raw siya sa isang Unibersidad dito sa Walla Walla, the Whitman College. “Hello—” I answered without even checking who was calling. Sapo ko ang noo ko. “Caine!” Tuluyan akong nagising sa boses ni Ate Nikka. “Jesus. Ate Nikka,” napatayo pa ako pagkasabi ko nun. “It’s Nassy!” Agad akong binundol ng kaba pagkarinig ko sa pangalan ni Nassandra. What happened to that tigress? “What about my Nassy?” agad kong tanong habang kumakabog ang dibdib ko. “It’s been two days. Wala pa siyang tawag.” “The f**k! She must’ve been kidnapped! Uuwi ako!” “She flew to your place, Caine.” Kabado rin na sagot niya sa akin kaya napatda ako. “What? We talked about it, Ate. Susunduin ko siya, di ba?” “She had a change of mind. She wanted to go alone. She wanted to be independent.” “f**k that independent thing,” inis na sagot ko. “She was supposed to land yesterday but up until now, no update. Nag-aalala na kami. Si Jix kung sino-sino na ang tinatawagan. Sabi ng may-ari, safe naman daw na lumapag ang eroplano kahapon.” “I’ll check on her. Don’t worry. I’ll give you an update,” nagmamadali kong sagot. Ni hindi ko niya siya hinintay na sumagot pa. Nagmamadali na hinanap ko rin ang mga damit kong nagkalat sa sahig. “What’s the rush, Caine?” “I have to check on someone. Damn, Nassy. You’re making me sick and old,” I cursed and whispered to myself while looking for my clothes. Nang mahagilap ko ang mga iyon ay isinuot ko kaagad. “Who’s Nassy?” Napatigil ako saglit sa pagsusuot ng sinturon ko. Ano nga ba si Nassy sa akin? Hindi ko napaghandaan ang sagot sa tanong na iyon dahil wala pa sa akin nagtanong na kahit na sino, kung ano para sa akin si Clariz Nassandra. I pursed my lips and continued buckling my belt. She’s my everything.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD