Pagdating ko sa bahay, hindi ako kinikibo ni Ashley. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may mali. Kinausap ko si Nathalie, tinanong ko kung may alam ba siya kung bakit naging moody si Ashley nitong mga araw lalo na sa 'kin, samantalang ang ganda pa ng kwentuhan namin kanina Iang umaga kasama si Zach at ang aming magulang. Hindi ako mapakali lalo na't ramdam kong may Hindi sinasabi si Ashley. Lumabas ako sa aking kwarto, kakatok na sana ako sa kwarto ni Nath nang may marinig akong humihikbi at mahinang nagsasalita. Hindi ako nagkakamali dahil alam ko ang boses ng bawat isa sa amin. "Bakit ganun? Mahal ko na siya, Hindi ko man magawang aminin sa kanya pero bakit ang sakit 'pag nakikita ko siyang iba ang gusto at iba ang nginingitian?" boses ni Ashley. "Ash, hindi kasalanan ni N

