NIKKI POV Pagbangon ko kinaumagahan parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Mabigat ang pakiramdam ko na para akong nasusuka. Gusto kong alalahanin ang mga nangyari kagabi pero wala akong maalala. Ang naaalala ko lang ay ang sagutan namin ni, Claire. Wala kaming pasok ngayon kaya okay lang kahit late na gumising. Dumiretso ako sa banyo upang maghilamos at mag toothbrush. Pagkatapos kong gawin ang aking morning routine, lumabas na ako sa kwarto at pumunta sa kusina. Nabungaran ko pa ang mga kapatid ko na nag-aalmusal. Umupo ako sa tabi ni, Nath na maganang kumakain. "Ate Amor, pakitimpla na lang po ako ng kape," ani ko sa aming katulong. Gusto ko sanang magkape na puro iyong walang halong asukal at gatas dahil pangtanggal amats daw iyon. Pero baka hindi ko lang din mainom. Maya-maya lang

