Sabay na naglakad ang magkakapatid pagkatapos mag-park ng sasakyan ni, Ashley. Ito na iyong pinakahihintay ni Nikki, ang araw na gaganapin ang pageant for Miss Architecture 2021. Kompleto silang lahat sina Sofia, Candy, Drew, at si gab na ang laki ng ngiti sa kanya. Samantalang si Zach naman ay walang ekspresyon ang mukha pero malalim ang tingin sa kanya. Hindi alam ni Nikki kung ano ang mararamdaman niya ngayon. Nahihiya siya sa kadahilanan na naaalala pa rin niya ang naganap na halikan nila Zach sa loob ng kotse nito. Nanlalamig ang kamay niya at kabado siya dahil heto at mag-uumpisa na ang pageant for Miss Architecture. Gustohin man ng dalaga na umatras pero hindi niya magawa. Una, dahil mapapahiya ang paaralan nila. Pangalawa, maraming tao ang sumusuporta sa kanya hindi lang mga

