Samantala, papasok na sa University ang magkakapatid, nag kanya-kanya ang mga ito ng sasakyan. Gamit ni Nikki ang regalo sa kanya ng Mom and Dad nila na Ducati Panigale v4 na sa pagkakaalam niya ay aabot sa milyon ang halaga. Habang si Natalie naman, gamit nito ang Lamborghini na kulay rust at Mercedes Benz naman kay Ashley, na kulay red na parehong regalo rin ng mga magulang nila no'ng eighteenth birthday nila. Paglabas pa lang ng mga dalaga sa kanilang sasakyan, Kita na ang paghanga ng mga taong nakapaligid sa kanila lalo na kay Nikki, na nakasakay sa kanyang Ducati Panigale v4 na siyang latest na motorbike ngayon at siya lang ang bukod tanging dalaga na Naka-motorbike sa kanilang University na kahit mga kalalakihan ay puro kotse ang gamit. Nandoon ang paghanga at pagkamangha ng mga ka

