CHAPTER 46

1540 Words

Pagkatapos kong sabihin 'yon kay Claire ay nagmadali na akong umalis dahil pakiramdam ko sobrang sikip ng bahay para sa aming dalawa. Narinig ko pa na tinatawag ako ni Claire habang umiiyak ito. Hindi ko ito pinakinggan at tuloy-tuloy lang ako sa aking paglalakad. Dahil sa kanya nawala ang nag-iisang babaeng pinaglaanan ko ng oras at ang babaeng naging dahilan para ipagpatuloy ko ang aking pangarap. Sumakay ako sa kotse at pinaandar ito. Huminto ako malapit sa bahay nila Nikki at nagmasid. Gusto ko s'yang makita kahit saglit lang. Gusto kong masilayan ang maganda n'yang mukha. Gusto ko s'yang hagkan at iparamdam sa kanya kung gaano ko s'ya kamahal. Gusto ko s'yang yakapin at sabihin lahat ng nararamdaman ko pero lahat nang iyon hindi ko magawa dahil pakiramdam ko sobrang layo na ng pagit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD