Pagkatapos ng ilang minutong pagkasubsob ko sa dibdib ni Zach ay mabilis siyang humiwalay dito. Basang-basa ang damit nito dahil sa kanyang luha. "I'm sorry," saad niya nang makitang halos puro luha niya ang nasa dibdib nito. "Nikki?" tanging nasambit ni Zach sa kanya. Lumayo siya kaya Zach, "Siguro panahon na para bitawan mo ang pangakong maghihintay ka sa'kin hanggang sa maging handa ako dahil alam natin pareho na kailanman hindi na 'yun mangyayari." Mahinang sabi niya. "Kailanman hindi ako bumabali ng pangakong binibitawan ko." Matigas na sagot ni Zach. "Kahit ano'ng gawin mo hindi na tayo pwede. Please Zach, be responsible for what you did." Sabi niya na may pagdiin sa bawat salita. "What do you mean?" Kunot noong tanong nito. "I know everything Zach, Nath told me everything. Na

