Nang makalabas si Xander sa kwartong kinalalagyan nila, nagkatinginan sina Althea at Jade. " Anong pumasok sa lalaking iyon at sinabi niya ang bagay na iyo? Nagpapatawa ba siya? Sa tingin ba niya ay papayag ka sa gusto niya? " natatawang mga tanong ni Jade kay Althea. " Papayag ako sa gusto niya, " mahina pero sapat na iyon para marinig iyon ni Jade. " Tama lang na hindi ka ...." napatigil si Jade dahil na-realize niya kung ano ang sinabi ni Althea sa kanya. " Anong sabi mo! " napasigaw si Jade dahil sa sinabi ni Althea. Mabilis na linapitan ni Jade si Althea. " Sabihin mo na mali ang pagkakadinig ko sa sinabi mo, Althea! " " Hinaan mo ang bibig mo, Jade. nakatingin si Julio sa atin, " sabi ni Althea sa kanya. Napatingin naman si Jade kay Julio at tama si Althea. Nakatingi

