Nagkagulo ang buong Hotel dahil sa mga nangyari sa Room 69. Lumabas ang mga naka-check-in sa mga katabing kwarto para makibalita kung ano ang nangyari. " Tumabi kayo! " sigaw ni Alhea sa mga taong nasa paligid habang buhat buhat ng dalawang pulis si Xander palabas ng hotel. Naiwan naman ang isang pulis kay Rowena at hinihintay ang mga kasamahan niya. Wala ng buhay si Rowena dahil sa kanyang ginawa sa kanyang sarili. Hindi na nila hinintay pa ang tinawagan nilang Ambulansya dahil nasa delikadong sitwasyon si Xander. Nakasunod naman sina Jade at ang dalawang bata sa kanila. Nang makalabas sila ng Hotel, mabilis nilang isinakay sa Pulis Patrol si Xander. Hinarap ni Alhea sina Jade at sinabihan na umuwi na lang muna sila at siya na lang ang sasama sa mga pulis na sinang-ayunan ni Jade.

