Flirting is like a game of Chess. One wrong move ..... and you are married :)
~~~~~~~~~~~~~~~~~
G E O R G I N A
BUSY ako sa pag-aayos ng make-up ko dito sa malaking salamin sa aking harapan ng biglang tinawag ako ng aking boss.
"Ikaw! bilisan mo diyan at ikaw na ang susunod na sasayaw! ang babagal." Ang init talaga ng dugo ng matandang hukloban na yun tsk.Pasalamat talaga siya at may malasakit ako sa kanya kung hindi hay naku...
Binilisan ko naman ang kilos ko at nagmadaling isinuot ang napaka iksi kung palda na kunting bukaka mo lang ay makikitaan ka na.Tsk sanay-sanay lang yan noh!
Ay siya nga pala magpakilala muna ako sa inyo.Kanina pa pala ako salita ng salita dito tapos di niyo man lang ako kilala.
GEORGINA REYES po pala ang pangalan ko at ako ay 26 taong gulang na, Baka akala niyo may asawa na ako at anak noh?Uy di ahh single pa po ako di nga lang halata tsk!
Pero biro lang po may naging boyfriend naman po ako mga 2 years kami nun kaya lang naghiwalay rin kami ehh kasi narealize niya na mahal pa pala niya ang ex niya.
Parang tanga ehh noh?Papatol-patol ta's mahal pa pala si ex. Lol niya!!!
Siya mamaya na ulit ako makikichika sa inyo at ako ay sasayaw pa sa entablado bilang eheem..i know kung ano ang iniisip niyo hmm huwag niyo kung e JUDGE okey?Tao lang nagigipit rin po.
"Huy bruha dalian mo kanina ka pa tinatawag ni boss naku ka nag-aalburoto na dun.."biglang dating ni Trina sabay pasok sa banyo.
Binilisan ko naman ang pagbibihis ko pagkatapos humarap ulit sa salamin para sipatin ang hitsura ko.Tsk ba't ang ganda ko?
Agad naman akong lumabas pagkatapos at nag-abang sa may gilid ng entablado habang hinihintay matapos ang isa sa mga katulad kung STRIPPER dito sa bar habang suot yung maskara ko.
Ilang sandali pa ay narinig ko naman na pumapalakpak ang mga tao hudyat na natapos na ang isa kung kasama sa pagpeperform.
Agad naman akong pumunta ng backstage sabay dasal ng kunti at humingi ng paumanhin kay papa god kung bakit ko ito ginagawa.
Ilang saglit pa ay tumugtog naman na ang malanding musika hudyat na kailangan ko ng lumabas.
Naghiyawan naman ang mga tao pagkarating na pagkarating ko sa gitna ng entablado.Iginiling ko naman ng husto ang katawan ko at mapang-akit na ngumiti sa mga tao dahilan para magsigawan sila specially sa mga Kalalakihan.
Lumakad naman ako sa harap habang gumigiling parin at agad kumapit sa may bakal na tinatawag nilang pole sabay bukaka.
Wala silang makikita dahil naka cycling naman ako so nothing to worry about.
Umikot-ikot naman ako habang nakakapit parin dito at sumasayaw pababa at pataas habang hinihipo ang sarili kung katawan.
Mapang-akit naman akong ngumiti sa kanila sabay kagat ng labi at kindat dahilan para mag-ingay ang loob ng bar.
I guess nagustuhan nila ang performance ko.
Nakita ko naman yung iba na nagtapon ng pera sa may entablado habang ako naman ay patuloy parin sa pagsasayaw.
Inilibot ko naman ang paningin ko sa loob ng bar.Bahagya naman akong natigilan ng may nakita akong pamilyar na mukha.
Aha!Naalala ko na siya yung babaeng walang modo at hindi man lang marunong magpasalamat nung time na tinulungan ko siya.
Walang hiya ano naman kaya ang ginagawa niya dito?Tsaka isa pa pansin ko lang na medyo lasing na siya hah!
Kahit malayo kasi siya kita ko parin naman ang kabuohan niya specially sa mapupungay niyang mata.
Pero ano bang paki ko?Nagpatuloy nalang ako sa pagsasayaw at tumingin sa mga taong hayok na hayok na parang ilang sandali nalang ay kakainin na ako ng buhay.
Matapos ang isang oras na pagsasayaw ay sa wakas natapos rin.Wew Nakakapagod tumayo at sumayaw hah!
Agad ko namang pinulot yung mga barya at pera na tinapon lang nila dito sa harap ng entablado.
Nang matapos ko mapulot ang mga pera ay dali-dali naman akong umalis sa harap at naglakad papuntang backstage.
May mga manyak nanaman kasi na gusto akong itable tsk.Ayaw ko talaga ng ganun tsaka nagsasayaw lang ako di ako pang anohan geez!
Nang makapasok sa dressing room ay agad ko namang binigay kay boss madam ang mga kinita ko ngayong gabi.
"Magaling ikaw lang talaga ang nagpapadami ng kita dito sa bar georgina hmm."Himala at pinuri ako ng gurang nato?Tsk-tsk ano kaya ang nakain nito?Parang kanina lang ang init ng dugo sa akin psh!
"Ohh heto ang parte mo oh siya magbihis ka na at magsasarado na tayo."Sabi niya sabay alis habang nagbibilang mg pera.
Tinignan ko naman ang parte ko at nakitang Tatlong libo pala to.Napangiti naman ako ng tipid pagkatapos agad pumasok sa banyo para makapagbihis.
Alas dos na kasi ng madaling araw tsaka isa pa maglalakad pa ako pauwi sa bahay ko.Buti nalang talaga at wala akong kasama dun.
Pagkatapos magbihis ay agad naman akong nagpaalam sa mga kasamahan ko.Di narin ako nakapag-paalam pa kay trina dahil sinabi niya sa akin kanina na mauuna nadaw siyang umuwi.
Tsk ang babaeng yun talaga.
Naglakad naman ako palabas at napansing wala ng tao sa bar at nakita sila Kuya Arnold at mga kasamahan namin dito na naglilinis nalang.
"George!"Biglang tawag ni kuya dahilan para mapahinto ako sa paglalakad at takang humarap sa kanya."Uuwi ka na ba george?"Sabi niya ng hinihingal."Oo kuya bakit po?"Magalang kung tanong sa kanya.
"Ehh kasi ano ehh may ano george..costumer na nakatulog dun..ayon ohhh!"Kamot ulo niyang sabi sabay nguso.sinundan ko naman ang tinignan niya at biglang nanlaki ang mata ko nangapagtanto na si Ms.Thank you pala ito.
Akala ko ba umuwi na'to?
"Kung okay lang sana george na ikaw na ang bahala sa kanya?Ano kasi kailangan ko naring umuwi baka hinahanap na ako ng asawa ko tsaka ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko dito ehh hehe."Naman ohh!Ako na nga ang umiiwas tapos?Argh!
"Wala ba siyang kasama nagpunta dito kuya?"Taka kung tanong.Halos yung iba kasi kung pupunta dito ay may mga kasama tapos itong babaeng to ay nag-iisa lang?Imposible naman yun tsaka isa pa sa ganda niyang yan?Baka mapahamak siya.
"Parang wala naman yata tsaka isa pa kanina pa kasi yan dito bago ka dumating kaya ayan siguro nakatulog sa sobrang kalasingan."Paliwanag pa ni kuya arnold sa akin.Hays ano pa nga ba ang magagawa ko?Tsk kainis naman hmp!
"Hays oh sige kuya ako na po ang bahala sa kanya."Sabi ko nalang sabay buntong hininga."Talaga?oh siya sige mauna na ako sa'yo george tsaka salamat ahh?"Nakangiti niyang sabi at tanging tango lang naman ang iginanti ko sa kanya.
Nagalakad naman ako papalapit kay thank you girl na tulog sa may bar counter dala-dala yung backpack ko.
"Huy--pssst miss?"Teka ba't may psst pa?Para tuloy siyang aso pfft."Annoying girl?Huy gumising ka nga tsk."Sabay yugyog sa kanya sakaling magising siya.Pero ang shuta wa epek parin?Anak ng!?
Diko naman to mabubuhat noh tsaka ano siya sineswerte?Never!
"Huy miss gumising ka nga ano ba!tsk Bahala ka iiwan kita dito."Para na talaga akong baliw dito tss kinausap ko ba naman ang tulog.
Ilang sandali pa ay napansin ko naman na umungol siya at nagdilat ng mata."Hmm..where i am?"Kahit lasing na nag-eenglish parin?Hanep talaga!
Bahagya namang kumunot ang noo ko sa tanong niya na ngayon lang nag sink-in sa utak ko."Baliw ka ba?Nandito ka sa bar uy kung di mo naalala tsk."Baliw to uminom-inom tapos di alam kung nasaan siya.
"Ohh?Hahaha sorry ahmm i think i can't walk-- ouch.."Ang oa ng gaga tsk.Nakita ko naman ang tinignan niyang paa na bahagyang may pasa at pumula na ikinailing ko nalang.
"Yan kasi nag heheels pa psh!Makakalakad ka ba?"Sinabi na ngang di makapaglakad diba?Baliw lang te?
Oh edi ikaw na matalino utak ka tsk!
"I can't and it really hurts..my foot."Medyo naawa naman ako sa paa niya at oo sa paa niya lang talaga tsk."So paano ba yan mauuna na akong umuwi sa'yo huh?Inaantok na ako ehh tsaka kaya mo pa naman sigurong umuwi mag-isa."Masubukan nga tong babaeng to haha.
"So iiwan mo ako?"bigla namang lumungkot ang maganda niyang mukha sa sinabi ko."Bakit?gusto mo ba?"Parang tanga kung tanong.
Sa di inaasahan ay nakita ko namang umamo ang mukha niya sabay nguso na parang bata."Ayaw ko maiwan dito..ahm can you help me?pleaseee?"Aba't ginamitan pa ako ng pang black mail ohh!
Fine! Total kanina ko pa napapansin na bahagyang bumaga na talaga yung paa niya ehh tsk."Fine! tara na tsaka isa pa dahan-dahan lang at alalayan kita."Sabi ko sa kanya dahilan para umaliwalas ang mukha niya.
Isip bata amputa!
Inalalayan ko naman siya ng dahan-dahan at iniakbay ang isang braso sa balikat ko habang yung isang kamay ko naman ay nasa bewang niya.
Agad naman kaming naglakad papalabas ng bar ng ganun ang hitsura habang ako ay todo alalay parin sa kanya.
Pasalamat talaga ang babaeng to at medyo mabait ako tsk!
to be continue......