"Hindi ko alam kung sinwerte ako o mas lalo akong minalas." bulong ni Lorena saka napahilot sa kanyang bumbunan. "You can drop me on the nearest road with jeepneys. Thank you." saad niya sa Koreano. "No." matipid na tugon nito habang seryosong nagmamaneho. "Anong 'no'?!" tanong niya rito. Nataasan na rin niya ito ng boses. "Thank you for saving my life! And I'm really sorry for punching you! It's your fault actually! Just drop me to the nearest road with jeepneys! Kung ayaw mong gumawa ako ng eskandalo rito! Akala ko pa naman din mababait kayong mga Koreano! Kahawig mo pa man din si Ji Chang Wook!" pagmamatigas niya pero ang totoo ay nakaramdam na naman siya ng kaba. "I can understand your Tagalog." tugon nito sa kanyang litanya. Napalunok siya. "Patay... naiintindihan pala ako. Pl

