"Kuya Randolf kukunin ko na yung mga pinagawa kong papeles at id." Bungad ni Lorena sa may-ari ng pagawaan ng pekeng dokumento at id sa Recto. Hindi ito katulad ng ibang mga pagawaan na nagkalat sa lugar. Nasa loob ito ng isang salon sa isang mall. Hindi rin basta-basta ang mga kliyente dahil referral ang mga ito ng mga naging kliyente. Referral siya ng isang katrabaho mula sa supermarket na hindi niya sinasadyang marinig na nagpagawa ng pekeng birth certificate kaya nakapasok sa supermarket. Tinakot niya ang kasamahan kaya wala itong nagawa kundi sabihin sa kanya ang pagawaan. Wala itong signage. Walang social media account. Dahil sobrang pribado ng transactions kaya mahal maningil si Randolf. Isa itong IT professional kaya gayang-gaya nito ang kahit anong dokumento. Sideline lang nito

