Agad napalingon ang isang babaeng kamukhang kamukha ni Yaya mula ulo hanggang paa. Tanging kulay lamang ng balat at peklat sa noo na malapit sa kaniyang sentido ang kanilang pinagkaiba. "Ohh Yza bakit mo ako hinahanap?" tanong niya. ------(Flashback)----- "Tay! tao po ba iyong nakadikit sa puno roon?" tanong ni Yza sa kaniyang Ama ng makita iyon sa di kalayuan. "Tara lapitan natin." aniya at saka nagmamadaling tumakbo. Nagulat si Gino ng makita ang babaeng walang malay. May sugat ito sa ulo at nakasabit ang damit niya sa may sanga ng puno. "Buhay pa siya." ani Gino ng hawakan niya ang kaniyang palapulsuan. "Pero bakit narito siya Tay?" tanong ni Yza. "Marahil inanod siya at nasabit ang kaniyang damit sa sanga ng punong ito kaya hindi siya nalunod." tugon ng kaniyang Ama. "Tay dal

