*Ami's POV* Lumakad ako papasok sa opisina ni Achilles. Ngayon lang ako nakapunta dito. Nakakagulat nga kasi kahit pinakilala niya ako noon ay ngayon lang ako nakarating dito. Tinignan ko maigi ang office niya. Spacious. May office table sa gitna tapos may dalawang pinto sa gilid. I wonder kung ano yung pinto na iyon. Pagkatapos ay may black leather na sofa sa gilid ng malaking glass window. One way mirror lang ang mga salamin sa Opisina ng mga Montevera. Gusto nila ang Privacy pero gusto nila na nakikita ang iba. Medyo malabo din ang pamilyang ito eh. Sa lamesa ni Achilles ay may dalawang picture frame at ang kanyang laptop. Lumapit ako doon pero nilingon ko muna siya. Mukhang wala naman siyang palag dahil nakatingin lang siya sa akin. I flipped my hair on my way to the table. Pag

