Nakatingin lang ako kay Trixie habang sinasabi ang lahat ng iyon. Para bang wala na akong pakielam sa mga sinasabi niya. Sa totoo lang natatawa na lang ako sa kanya. Desperate. How come na naging kaibigan ko ang taong ito? Sigurado ba ako na siya ang kaibigan ko na si Trixie. Para kasing hindi na siya eh. Talagang nag-iiba nga naman ang tao basta makuha lang nila ang gusto nila. “Sana hindi ka na bumalik. Sana hindi ka na lang niya nakita para ako na lang ulit ng mahal niya” sabi ni Trixie sa akin. Tinignan ko lang siya ng maigi. Lahat ng sinabi niya ay salitang SANA. Ngumiti na lang ako ng pagak sa kanya “Lahat ng sinabi mo ay hindi na mangyayari pa ulit. I’m his. There’s no chance that you can replace me to him. I’m his home” Sumama ang tingin sa akin ni Trixie, akmang sasampalin niy

