Hiraya's POV: Pagkagising ko kanina ay nasa bahay na ako. Nakatulog yata ako kakaiyak kagabi dahil sa nangyaring sagutan namin ni Mission. Mapait na lamang akong napangiti. I need to accept the fact na kahit makasal kami, hindi niya ako mamahalin. Panigurado rin namang hindi magtatagal ang kasal naming dalawa. Siya na rin mismo panigurado ang mag-aabot sa akin ng annulment o divorce papers. Sa yaman nila ay walang imposibleng mabilis nila iyon na maipoproseso. Marami rin siyang kilalang magagaling at kilalang mga abogado. Wala na si Mission dito pagkagising ko. Paniguradong mag-iiwasan lang kaming dalawa. Siguro kailangan ko na ring umiwas para mawala ang nararamdaman ko para sa kaniya. Aaliwin ko na lang ang sarili ko sa panonood ng Netflix. Sa mga gwapong koreano na lang ako magkakaroo

