Hiraya's POV:
"Hiraya, ano ba naman ito!? Ang laki ng kuryente natin! Ako na naman ba ang magbabayad!?" sigaw ng bunso kong kapatid na si Felipe sa labas ng aking kwarto.
Inis na akong napaupo sa kama ko. Bwisit naman akong napasabunot sa buhok ko at padabog na tumayo. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Felipe na matamis ang ngiti.
"Hoy Felipe, tigilan mo ako! Anong ikaw ang magbabayad, 10 years old ka pa lang! Mag-aral ka roon hindi kung ano-anong sinasabi mo! Hindi ka pa nga marunong ng PEMDAS!" inis kong sigaw kay Felipe.
"Labyu ate, ginisng lang kita. Hingi akong baon pasok na kasi ako sa eskol," pagpapacute ng kapatid ko.
Napabuntong hininga naman ako at kinuha ang aking wallet. Kumuha ako ng forty pesos at iniabot kay Felipe. Nakanguso pa rin ang kapatid kong maligalig.
"Forty lang? Dagdagan mo na ten pesos!" pag-alma niya.
"Aba, ililibre mo lang ang crush mong si Alyssa! Tigilan mo ako at pumasok ka na!" sigaw ko kay Felipe.
"Tse, panget mo! Kuripot ka kaya hanggang ngayon wala ka pa rin boyfriend!" sigaw ni Felipe at nagtatakbo na palayo sa akin.
Walang hiya talaga ang batang iyon. Si Felipe, Felipe Jose Conception, ay kapatid ko at ten years old pa lang pero saksakan na ng daming chicks. Hindi ko alam sa kapatid ko pero chickboy na hindi pa nga natutulian. Kung umasta rin kala mo mas matanda pa sa akin! Kung gisingin ba naman ako sa umaga. Kung hindi magrereklamo na ang taas ng bill namin sa kuryente ay sisigawan akong kumuha na raw ng insurance. Ewan ko ba sa batang iyon.
Bumaba na ako sa kusina para mag-agahan. Nakita ko pang paalis na si tatay para ihatid si Felipe sa school. Binelatan pa ako ng loko bago sumakay sa tricycle ni tatay.
"Ano Hiraya? Tanghali na ikaw na bata ka! Talagang hindi ka nag-aasikaso sa umaga! Aba't hindi ka man lang nagluto ng umagahan kung hindi lang ako maagang nagising wala tayong pagkain! Naku, tatamaan ka na talaga sa akin! Bente kwatro ka na at malapit na magmenopause wala ka pa ring alam sa buhay!" talak ni nanay.
"Nay, wala ka namang ginagawa sa maghapon eh. Kung hindi nanonood ng Ang Probinsyano nandoon ka kila Aling Marites at naglalaro ng Tongits Go. Pagod kaya ako sa trabaho," pagrereklamo ko.
"Aba, sumasagot ka na! May kinikita kaya ako sa Tongits Go! Kumain ka na r'yan at magbayad ka ng bill natin! Naiistress ako sa inyong magkakapatid!" sigaw ni nanay ay umupo sa tapat ko. Minasahe niya ang kaniyang sentido.
Sa pamilya namin, lahat kami ay maliligalig lahat pwera lang kay tatay. Nasa bahay kami pero laging nagsisigawan. Lalo na si nanay, naku laging inirereklamo nila Aling Bering! Kapag natalo raw sa tongits eh nagmumura ng die b***h motherfucker.
"Saan naman ho kayo naistress?" tanong ko at sumubo ng hotdog.
"D'yan sa kapatid mong si Felipe. Ewan ko ba sa batang iyon, akala mo trenta na! Pinuna ang buhok kong magaspang pa raw sa liha! Pagkatapos ay pinuna ang kuryente natin na napakamahal daw! Matagal na raw tayong niloloko ng nagpapakuryenteng iyan dahil hindi naman daw siya nag-eelectric fan sa gabi. Hayon nga at isinumbong din sa akin ng teacher na may girlfriend na rin. Ano bang mayroon sa inyong mga bata kayo!" pagrereklamo ni nanay at lumabas ng bahay. Kunyari pang nagwalk-out sa mga bff niya naman ang punta.
Napailing na lamang ako at kumain na. Maaga pa naman ng isang oras bago magtime sa trabaho ko. Maaga akong ginigising ni Felipe dahil wala raw akong ipapabaon sa kaniya kapag hindi ako nagtrabaho. Kaag hindi raw siya nagtrabaho ay wala raw siyang ipapakain sa magiging asawa niya at hindi makakapagtapos. Lintek na bata, sampu pa lang babaero na.
Natapos akong kumain kaya umakyat na ako sa hagdan naming sira pa ang unang apakan. Kumuha ako ng tuwalya at undergarments bago bumaba at maligo sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay muli akong umakyat sa kwarto ko para isuot ang uniporme ko.
Isa akong bank teller sa BDA, Banco de Aura, at monday to saturday ang pasok ko. Nakakapagod lalo na kapag may maliligalig na customer na nagtatanong ng pangalan ko. Kamukha ko raw kasi si Gigi Hadid na morena version.
Matapos kong mag-asikaso ay lumabas na ako ng bahay at kinandado ito. Naglakad na ako palabas sa kanto namin. Si tatay naman ay nakita ko sa paradahan ng tricycle kaya sa kaniya na ako sumakay para magpahatid. May kasabay naman akong pasahero dahil sayang ang takbo. Makikisabay na nga lang ako aarte pa ba?
Tricycle driver si tatay habang si nanay ay dating waitress sa Japan. Napagtapos nila ako sa kursong Accountancy kaya proud ako sa mga magulang ko kahit mahirap ang buhay namin. Syempre proud din ako sa sarili ko dahil kahit mahirap ang buhay at puno ng pagsubok, naabot ko ang pangarap ko at nakapag tapos. Nagkaroon din ako ng matinong trabaho.
Tulala lang ako habang nakasakay sa tricycle. Nakakita naman ako ng couple sa may hagdanan ng Mercury Drug na kumakain ng isaw at kwek-kwek. Sana all. Ako kaya, when kaya ako?