Hiraya's POV: "Napakaganda mo, Hiraya! My soon to be sister-in-law! Pak na pak ka ha! Galingan ang paglalakad dahil baka madapa. Huwag palampa-lampa, moment mo na this. Go claim your title as a Heat," sabi sa akin ni Ate Levi at minasahe ang aking balikat. "Oo nga, welcome sa pamilya! Natutuwa ako dahil lumalaki na ang pamilya natin lalo. Lumalago ha at dumadami ang bilang! Ang gagandang nilalang pa ng mga dumadagdag. Hindi na rin ako makapaghintay na lumabas ang apo ko. Paniguradong maganda rin ang lahi mana sa angkan ng pinagsamang Heat at Conception. Tuturuan ko rin siyang magzumba. Everyday na akong may kasama sa Plaza kumendeng," masayang sabi ni Mama Yolly at ginalaw pa ang kaniyang balakang. Tawang-tawa naman kami ni Ate Levi. Happy pill na yata namin si Mama Yolly. Napakaganda n

