CHAPTER 12

1086 Words
Lungkot, pagod, at hinanakit ang nararamdaman ko nitong mga nakaraang dalawang araw. Hindi rin ako lumalabas dahil pugto ang mga mata ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko at medyo napapabayaan ko na ang aking sarili. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kaso nangyari na eh. Iniwan na naman ako at ang masakit pa, sinabing mahal na mahal ako at ilan taon akong naging gusto. Itinuring din akong prinsesa kaso sa huli ay lolokohin lang pala ako. Napabuntong hininga na lamang ako at pinunasan ang aking mga luha. Iisipin ko na lamang na isang pagsubok si Tate sa buhay ko. Isa na namang pagsubok na kailangan kong lampasan at indahin ang lahat ng sakit na idinulot niya. Bigla namang nagring ang cellphone ko pero hindi ko na ito pinansin. Kahapon pa tumatawag nang tumatawag si Tate. Nag-aalala raw sa akin at sinubukan pang i-contact si Shane. Sunod-sunod pa rin ang tawag sa cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino ito. Si Rica pala ang tumatawag akala ko naman kung sino. Bigla ko namang naalala ang resulta ng mga isinagawa sa aking test noon sa ospital. Hindi ko pa nga pala nakukuha at nalalaman ang resulta ilang araw na. Tiyak na patay ako nito kay Rica. Sinagot ko ang tawag at inihanda ang tenga ko. Paniguradong ratrat ako sa kaniya. "Hoy Binay walang hiya ka kuhanin mo naman ang resulta rito! Ilang araw na ako alalang-alala sa 'yo hindi ka man lang sumasagot! Nabanggit ni Shane na brokenhearted ka pero unahin mo munang kuhanin dito ang resulta! You need to get this ha ASAP!" sigaw ni Rica sa kabilang linya. "Yes doktora, pupunta po ako r'yan. Saglit lang at mag-aasikaso lang ako," tugon ko kay Rica bago patayin ang tawag. Hina naman akong tumayo at nagpunta sa banyo. Nang masilayan ko ang mukha ko ay mapait na lamang akong napangiti. Maitim na ang ilalim ng aking mata at pakiramdam ko ay nadagdagan ako ng timbang. May wrinkles na rin ako resulta yata ng stress. Mabuti na lamang at wala pa akong bagong project. Naligo na ako at kaagad na nagbihis. Tinamad na akong pumorma dahil wala ako sa mood. Nagsuot na lamang ako ng hoodie para hindi ako kuhanan nang litrato ng mga tao at malamang ako si Brazeal Inayica Viglianco. Paglabas ko ng apartment ay sumakay na ako sa aking kotse. Agad naman akong nagmaneho papuntang ospital. Lumipat na ako dahil alam kong hahanapin ako ni Tate pagkatapos ko siyang iwan noon sa airport. Ayaw kong matagpuan niya kaya mumurahing apartment ang kinuha ko. Pagkatapos ng ilang minutong pagmamaneho ay nakarating na rin ako sa ospital. Ipinark ko na ang aking kotse at umakyat sa floor ni Rica. Kumatok muna ako bago pumasok sa kaniyang opisina. Nang makita niya ako ay tinaasan niya lamang ako ng kilay. "Wow naman Binay parang tinamad kang pumorma ha. Talandi ka bakit hindi mo kinuha ang resulta! Alalang-alala na ako sa 'yong lukaret ka!" sigaw sa akin ni Rica at binato ako ng tissue. Napatawa na lamang ako at umupo sa tapat niya. Habang nakatitig sa akin si Rica ay lumuluha ito. Mapait pa siyang ngumiti. Sunod naman ay tumayo siya at niyakap ako. Mahigpit ko ring niyakap si Rica. Nagtataka ako sa mga ikinikilos niya. May problema ba ang isang ito? "Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya. "Ako ayos lang, Binay. Pero ikaw ang mukhang hindi," malungkot niyang sabi. May kinuha siyang folder sa cabinet ng mesa niya at inabot sa akin. Nang tingnan ko naman ang laman nito ay napatigil ako. Kaya naman pala ganoon ang reaksyon ni Rica. Pero bakit nasasaktan na naman ako? Pagkatapos ni Tate ay itong sakit ko naman? Parang hindi ko na kaya. "Ilang t-taon pa akong m-mabubuhay?" naiiyak kong tanong kay Rica. "Binay naman huwag kang magsalita ng ganiyan. Sa ibang pasyente ko ay kampante akong sumasagot kahit masakit. Kapag pala malapit na sa iyo ay hindi mo mismo kakayanin. Ang hirap maging doktor," umiiyak na sabi sa akin ni Rica. Pinag-usapan pa namin ang tungkol sa sakit ko. Kailangan ko raw na magpagamot sa ibang bansa para sana ay maagapan pa ang sakit ko. Mapait na lamang akong ngumiti. Alam ko rin namang hindi na ako magtatagal dahil sa kondisyon ko lalo na at marami na akong sakit mula pagkabata. Nagpaalam na ako kay Rica at bumalik sa aking apartment. Tinawagan naman ako ni Shane para ipabalitang na nasa labas daw siya ng apartment ko. May ipinabibigay raw si Tate. Pagdating ko sa apartment ay naabutan ko siyang nag-iintay sa sala. Siguro ay nainip na kaya pumasok. May spare key naman siya ng apartment ko. "Ano iyang hawak mo madam?" tanong ni Shane. "Resulta ng mga test na isinagawa sa akin. Tingnan mo kung gusto mo," mahina kong sabi. Nagpalitan naman kami ni Shane ng hawak. Binuksan ko na rin ang envelope na ipinabibigay ni Tate. Nakuha ko rito ang passport ko at isang plane ticket papuntang amerika. Ito pa yata iyong ticket na dapat gagamitin namin ni Tate. Baka ibinigay na lamang niya sa akin dahil hindi niya gagamitin. Panigurado rin naman na sasaya siya kahit wala ako. "M-Madam, kuhanin mo na i-iyang plane ticket. Gamitin mo at magpagamot ka sa ibang bansa. Madam hindi ako papayag na dumito ka pa sa Pilipinas! Mas maganda ang treatment sa Amerika at oportunidad na ang ticket na iyan para makapag pagamot ka!" sabi ni Shane. Napabuntong hininga na lamang ako at umiyak na naman. Hindi ko mapigilan ang mga emosyong nararamdaman ko. Sobrang sakit na, nadadagdagan pa. "Nalilink at kalat na rin ngayon ang ugnayan ni Hannah at Tate, madam. Nakita sila ng paparazzi na magkasama noong nakaraan. Mukhang wala talagang pakialam sa iyo si Tate. Isipin mo ang sarili mo madam at magpagamot ka," pangungumbinsi sa akin ni Shane at hinawakan ang kamay ko. Muli akong tumingin sa plane ticket at sa resulta ng test. Aalis ako para tumakas sa lahat ng sakit. Pagkatapos, bahala na ang lahat kung ano ang mangyayari. Ang resulta ay mayroon akong skin cancer at melanoma pa ito. Stage 1 na at kapag lumala pa ay tiyak na ikakamatay ko ito. Malapit na rin itong dumating sa Stage 2. Alam ko ring bihira lang ang gumagaling sa cancer. Mahina rin ang resistensya ko hindi tulad ng iba. Napaiyak na lamang ako at niyakap si Shane. Ngayon ko nararamdamang mag-isa ako. Ulila na ako at walang malalapitan. Mahirap pero kakayanin. Sana kahit sa maikling panahon, malimutan ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD