CHAPTER 9

1037 Words
Malungkot ako nitong mga nakaraang araw dahil sa nakita kong post. Hindi ito binura ni Andrea at mukhang ayos lang naman din kay Tate. Panigurado namang alam niya na ang tungkol sa post. Hindi ko alam, siguro. Hay, ewan ko ba. Pero nang malambing ako ng konti ni Tate, ayos na ulit kaming dalawa. Bakit ba ang rupok ko pagdating sa kaniya? Kaya lagi akong nasasaktan eh. Gusto ko rin sanang tanungin ang tungkol sa post ni Andrea kaso nahihiya ako kay Tate. Baka sabihin niyang masyado akong pakialamera. Saka baka wala lang naman talaga iyon. Ang OA ko lamang siguro kahapon. Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kumakain. Libre ni Tate at bumawi siya sa akin dahil hindi niya ako nasamahan kahapon. Ang sarap din ng kain namin at ang inorder pa namin ay ang paborito kong seafood paella. Minsan lang ako makakain ng ganito dahil pinagbabawalan kami ng aming manager. Mayroon kasi kaming strict diet. "Hey are you okay? Parang masyado yatang malalim ang iniisip mo. Lagi naman akong handang makinig kung may problema ka man," nakangiting pagkuha ni Tate sa atensyon ko. Ngumiti rin ako sa kaniya at umiling. Baka nag-ooverthink lamang ako. Saka dapat may tiwala ako kay Tate, baka talagang business partner niya si Hannah. Kilala naman ang supermodel sisters sa mga laging nalilink sa kanila. "Wala, it's nothing. Kumain na tayo and let's enjoy our day," nakangiti kong sagot. Kumain na kami at busog na busog ako sa inorder namin ni Tate. Kapag kami ang magkasama ay pinapataba niya ako. Hindi pumapayag sa strict diet ko, mas strict daw kasi siya. Nagpahinga kami saglit bago umalis. Sunod naman kaming pumunta sa mall para mamili ng kung ano-ano. Pupunta kami ng Nike Store para bumili ng bagong labas na Lebron James limited edition basketball shoes. May edition kasi para sa mga babae at lalaki kaya gusto naming bumili na dalawa. Pagkarating namin sa Nike Store ay agad naman kaming nilapitan ng mga empleyado para i-assist. Marami pang tumitingin kay Tate dahil alam ko namang gwapo ito. Hindi naman niya ito pinapansin at nasa akin lang ang buong atensyon niya. "Are you okay? Don't mind them. Ang daming nakatingin sa 'yong mga lalaki, mukhang nakilala ka yata nila. Next time kailangan mong magsuot ng disguise," bulong sa akin ni Tate. "Bakit naman ako magsusuot ng disguise?" tanong ko. "Kasi pinagkakaguluhan ka. Brazeal, you're a supermodel. Kita ko nga ang nahihiyang grupo ng teenager na gustong lumapit sa atin dahil gustong magpapicture sa 'yo," sabi ni Tate kaya pinisil ko na lamang ang ilong niya. Namili na kami ng sapatos at pinakuha ang size namin. Size 38 sa akin habang si Tate naman ay 45. Ang laki ng paa niya, ang laking tao rin kasi. Nang dumating ang sapatos ay sinukat namin ito at hindi ko maiwasang mamangha. Parehong kulay sky blue ang pinili namin ni Tate para magkapareho kami. Geometric shapes ang disenyo nito at neon ang sintas. Panigurado ring napakamahal nito. Nagustuhan namin ang sapatos kaya nagbayad na kaming dalawa. Nagprisinta ako na ako na ang magbabayad kaso ayaw pumayag ni Tate. Ayaw niyang magpalibre at nangako siyang babawi kaya siya ang nagbayad. Nanlaki na lamang ang mata ko nang makita ang resibo. Nasa 150,000 pesos ang binayaran niya. "Salamat Tate ha. Grabeng libre naman iyong binaran mo," sabi ko kay Tate. "Wala iyon, barya lang. Kahit ibili pa kita ng buong subdivision I don't mind," sabi naman niya kaya napanguso na lamang ako. Gumala pa kaming dalawa at namili ng kung ano-ano. May mga nakabuntot pa nga sa aming mga lalaking naka-itim na nasa malayo. Mga bodyguard siguro ni Tate. Akala niya siguro ay hindi ko kita pero ayos lang iyon para safe kaming dalawa. Kung ano ang inilungkot ko kahapon, sobrang saya ko naman ngayon. Si Tate lang ang nakakapag paramdam sa akin ng ganito. Iba si Tate sa lahat ng nakilala ko. I know that he is different by heart and mind. Siya ang tipo na gusto kong makasama sa habang buhay. Ang huli naming pinuntahan ay ang amusement park. Parang bumalik ako sa pagkabata at ang saya-saya palang sumakay sa mga rides. Pahapon na rin kasi at dumidilim na kaya pwede na kaming maggagala. Hindi na ako mabibilad sa araw at iwas sunburn. Ride all you can ang binili naming ticket. Dahil papalubog na ang araw ay sa ferris wheel kami unang sumakay. Gusto ko kasing makita ang sunset. Alalay na alalay ako ni Tate. Maski nang sumakay ako sa car ng ferris wheel ay hawak niya ang bewang ko. Hindi ko naiwasang mapangiti dahil lalo akong nahuhulog kay Tate habang patagal nang patagal. Sa mga kilos at ugali na pinapakita niya. He deserves my yes and I also deserve him. Nang dumating kami sa tuktok ay inakbayan ako ni Tate. Itinuro niya ang sunset na namangha naman ako sa ganda. "Uhm Tate," pagkuha ko sa atensyon niya. "Yes Brazeal?" malambing niyang tanong. Humarap ako kay Tate at hinawakan ang kamay niya. Nginitian ko siya kaya nagtaka naman si Tate. "Tate, I know that we both deserve each other. Sana ay iwasan nating masaktan ang isa't isa and I promise na I will love you until eternity. Taterson, sinasagot na kita. It's a yes again," nakangiti kong sabi. Nakanganga lamang si Tate habang nakatitig sa akin. Gulat na gulat pa siya sa sinabi ko kaya napatawa na lamang ako. Hindi ko n kyang patagalin pa ang panliligaw niya. Dahil kay Tate ay humaharot ako! "Damn, I am the happiest man alive baby. I love you so much!" masayang sabi ni Tate. Sumigaw si Tate ng yes at nagsusuntok pa sa hangin. Tumawa naman ako habang umiiling. Sunod namang lumapit si Tate sa akin at hinawakan ang aking mukha. Inayos niya ang aking mga buhok na humaharang sa mukha. "Can I?" tanong ni Tate. "Can I what?" takang tanong ko naman. Nanlaki ang mata ko nang sakupin ni Tate ang labi ko. Napahigpit ang hawak ko sa balikat niya dahil sa gulat. "Kiss you again?" nakangising tanong ni Tate nang maghiwalay ang aming labi. Natawa na lamang ako at muling naglapat ang labi naming dalawa. If he is the happiest man alive, I'll be the happiest women alive.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD