"A-Ano ba Tate," naiilang kong sabi at itinulak siya.
Bakas naman sa mukha ni Tate ang pagtataka. Kita ko rin ang pugto nitong mata na mukhang galing sa pag-iyak. Para ngang paiyak na ulit ito.
"May problema ba tayo baby? Can we please talk about it? Kakalimutan ko ang lahat. Let our relationship start again, Brazeal. I can't live without you," naiiyak niya nang sabi.
"You can't live without me Tate? Baka kainin mo lahat ng sinasabi mo kapag nagsalita ako?" sarkastikong tanong ko.
Hindi ako sanay sa ganitong pakikitungo sa iba. Alam kong mamaya ay iiyak na ako at sisisihin ang sarili ko para sa pagtrato sa kaniya ng ganito. Lalo na at parang lumalabas na bitter pa ako.
"What do you mean? Huwag kang magsalita ng ganiyan, Brazeal. Alam mo naman kung gaano kita kamahal hindi ba?" tanong niya.
Kita ko ang pagpatak ng luha ni Tate. Gusto ko iyong punasan ngunit pinigilan ko ang sarili ko.
"Huwag ka ring magsalita na parang hindi ikaw ang nagloko, Tate. Kitang-kita ko noon ang kalandiang ginawa niyo ni Hannah," naiinis ko nang sumbat sa kaniya.
"Iyon na 'yon? Kaya mo ako iniwan dahil doon? Ni hindi mo man lang ako tinanong Brazeal!" naiinis na sigaw ni Tate.
"Dahil lang doon? Anong lang doon sa ginawa mo!?" sigaw ko rin sa kaniya.
Huminga muna kaming dalawa para kumalma. Napahawak na rin ako sa pader dahil sa panghihina.
"Magpinsan kami ni Hannah, Brazeal. May ugali lamang talaga si Hannah kaya ganoon ang naging reaksyon niya noong namili ako ng kukuhaning modelo. Business partners din kaming dalawa," paliwanag ni Tate.
Doon na ako tuluyang nanlambot. Uupo na sana ako sa lupa nang saluhin ako ni Tate. Niyakap naman niya ako at hinagod sa likod.
"I'm sorry, masyado akong naging harsh sa iyo. I should slow down a bit," malambing niyang bulong.
"I'm sorry, T-Tate. Ang tanga-tanga ko. Hindi muna k-kita tinanong at basta na lamang umalis. Sana ay magkasama p-pa tayo hanggang ngayon," humahagulgol kong sabi sa kaniya.
Mahigpit lamang akong yakap ni Tate at inaalo. Umupo siya sa mga dayami at kinandong ako. Inayos naman niya ang buhok ko habang dinadampian ako ng halik sa noo, pisngi, at ilong. Pinunasan niya rin ang aking tumutulong luha. Paniguradong ang panget ko na ngayon. Nakakahiya kay Tate at hindi man lang ako nakapag-ayos.
"Shh, let's talk about that sa loob. Namiss kita baby. Mauulol na ako sa Pinas kakahanap sa iyo dahil 'yong ticket ay sa ibang airlines ka bumaba," bulong sa akin ni Tate.
"Ha? Paanong sa ibang airlines bumaba eh sa mismong California ako na airport lumapag," naguguluhan kong tanong.
"Ang sabi sa akin ni Shane ay sa New York ka bumaba? Damn, dapat hindi ako nagtiwala sa babaeng iyon," tiim bagang na sabi ni Nitron.
Napaawang na lamang ang labi ko dahil sa pagkagulat. Ibig sabihin ay posible kaming napaikot ni Shane? Paano niya nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan ko siya!
Binuhat naman ako ni Tate at pinahawak niya sa akin ang payong. Naglakad naman kami papasok sa bahay ko. Dumiretso kami sa kwarto at dito na mag-uusap para walang makarinig at tahimik.
"Are you okay? I'm worried, baby. Ikukuha lang kita ng tubig so stay here," nag-aalalang sabi ni Tate kaya tumango naman ako.
Umalis si Tate para kumuha ng tubig kaya pasimple naman akong kumuha ng gamot sa cabinet. Pagbalik niya ay saka ko ininom ang tubig kasabay ng gamot na nasa bibig ko na.
"So tell me, baby. What really happened?" tanong ni Tate.
"Nagsimula ito noon sa post ni Andrea na may caption na approved sa f*******: niya. Nakita ko iyon at kasama mo si Hannah. May pictures pa kayo na magkayakap," paliwanag ko.
"And then what happened?" tanong ni Tate.
"Nasaktan ako kasi akala ko may relasyon kayong dalawa, iyon pala ay magpipinsan kayo. Tapos nakita ko pa noon sa unahan ng airport na magkayakap kayo ni Hannah," pagkukwento ko.
Napabuntong hininga naman si Nitron at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik. Alam kong kasalanan ko ang lahat pero ayaw kong makita na nahihirapan na naman si Tate sa akin. Gusto kong makita niya na malakas ako.
"I think Shane framed us," sabi ni Tate.
"Papaano mo nasabi?" tanong ko.
"Sinabi ko noon kay Shane na dalhin ka sa likod na parte ng airport para deretso na tayo sa eroplano pero sa unahan ka niya ibinaba. Pati ang airport na binabaan mo ay iba ang sinabi niya. Sa New York ang nakalagay sa details pero sa California pala. Binayaran ko pa siya noon at tinanong ko kung nakakausap mo pa siya ang sabi niya naman ay hindi na," paliwanag ni Tate.
Nagimbal kaming dalawa sa katotohanan. Hindi ko akalaing magagawa ito sa akin ni Shane. Siya ang nakakaalam kung gaano ako kasayang kasama si Tate at gaano ako nasaktan sa mga pagkakataong nahuli namin sila. Pero sa huli ay tinraydor niya pa rin ako!
"Let's go back to the Philippines. Hindi na ako makakapayag na magkahiwalay tayo kaya I come up with a plan pagpunta ko pa lamang dito. No more heartaches, baby. Let's seal our love," nakangising sabi ni Tate.
"Ano naman iyon?" naguguluhang tanong ko.
Lumuhod naman sa harap ko si Tate at may binunot sa bulsa niya. Isa itong kahon na paniguradong singsing ang laman kaya nagsimula na akong pagpawisan.
"Brazeal Inayica Viglianco, huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Pinaglaruan na tayo ng tadhana at pinaghiwalay kaya hindi ko hahayaang maulit pa iyon. Now baby, I'm asking for your hand. Will you marry me?" nakangiting tanong ni Tate.
Nagsimula naman akong umiyak at tumayo sa tapat niya. I just can't believe that nagpopropose ang isang Taterson Lenegham sa akin. Ang haba naman ng hair ko.
"Who am I not to say yes? Mahal na mahal pa rin naman kita," sagot ko bago lumuhod at halikan si Tate sa labi.