CHAPTER 9

1421 Words
______________________________ —AGUSTIN POV— "Congratulations Cris!" Masiglang sambit ko habang siya'y kakarating lang niya dito sa cubicle niya. Hinintay ko talaga siya e. "Salamat tol!" Aniya at sabay nag-apir kaming dalawa. Bigla namang sumulpot itong si Rica. "Congratulations din sayo Cris!" "Salamat Rica" "Ano Cris? May celebration?" Seryosong sambit ko pero biro lang yun Hahah "HAHAHA. Gago. Anong seleb-selebrasyon ka diyan?! Naka-budget na ang pera ko. Huwag kang mag-alala. Sa susunod na lang" "Talaga?! YEHEEYY!!!" Napatawa na lamang ako sa sarili ko. Para akong bata HAHAHA. Napatawa na lang din yung dalawa. Napa-alarma na lang kaming tatlo ng biglang may tumikhim *tikhim* "Uy si Sir!" "Si Sir guys! Tumayo kayo!" Medyo nagulat pa ako at dali-dali agad kaming tatlo bumalik sa sariling cubicle namin. "Attention everyone. Nandito ako ngayon dahil ipinapakilala ko sa inyo ang aking ikalawang anak. Si Patrick Balmonte" sabi niya Tiningnan ko naman yung kasama niya, este yung anak niya. Sobrang seryoso itong tumingin sa aming lahat. Habang nasa bulsa ang mga kamay at nakasuot siya ng black na tuxedo na bagay na bagay sa kaniya "Siya ang magiging bagong CEO ng kompanyang ito. Nagkakaintindihan ba tayo?" "SIR YES SIR!" sabay-sabay naming sambit "Sige. Bumalik na kayo sa mga trabaho niyo" Umupo naman kami kaagad Tapos ay nakita kong umalis na yung mag-ama. Kaya nakapagdesisyon akong pumunta muna sa dalawa gamit itong swivel chair "HOY HOY HOY! Anong tingin niyo dun sa anak ni Mr. Balmonte?" Tanong ko kaagad nung makarating ako sa kanila "Medyo may pagkamasungit siya" sagot ni Cris sabay harap sa akin "Uy ikaw Cris! Di naman! Napaka cute nga niya e at ang gwapooo!!" Binulong lang ni Rica yung last na sinabi niya, baka kasi may makarinig "Crush mo agad siya noh? Ganyan ka talagang babae ka. Pero bakit si Ash? Bakit di mo agad siya matawag na krass? Gwapo din naman yun" aniko "Puwede bang huwag mong idamay sa ating usapan ang pangalan ng lalaking yun?! Nakaka bwesit talaga kapag marinig ko ang pangalan niya! Tsk!" "Teka teka, mukhang di ko alam toh. Magkakilala na kayo ni Ash?" Tanong ni Cris kay Rica pero hindi niya ito pinansin "Kakasabi lang na huwag niyong banggitin ang pangalan na yun!" Galit na talaga siya. HAHHAHAHA "Hoy hoy Rica! Sabi-sabi ng iba diba na..." "KAPAG NAGALIT AY TOTOO. KAPAG TUMAWA AY MAY GUSTO!" Nagduet pa kaming dalawa ni Cris at sabay na napatawa. Hahahahah "Tumigil na nga kayo! Di ko diya gusto okay?! Napakakulit kasi niyang lalaki! Nakakainis!" Inis na inis na talaga kay Ash HAHHAHA "Mabuti ka nga dahil may nangungulit sayo. Ako wala. huhuhuhu" may kunwari pang paiyak-iyak ako "Makakahanap ka din nyan tol" Tumingin ulit ako kay Cris " HAHAHHAHA" at sabay kaming napatawa "Ehem! Tapos na kayo?" Gulat kaming napatingin dun sa nagsalita "Buti napansin niyo din ako. Kanina pa ako nagsasalita dito e hindi naman pala kayo nakikinig" Tumayo ako at yumuko "Sir Patrick. Sorry po. Sorry sorry talaga" Itinaas ko ulit ang aking ulo at tiningnan siya. Tapos ay galit lang pala itong tumingin sa akin. "I guess, ikaw yung sinasabi nilang TL sa blueteam. Am I right?" "Yez sir. Ako po yun" Team leader ako guys. Nagulat kayo noh? Heheheh "Punta ka sa office ko. Now na!" Umuna na siyang maglakad. Balik tingin ako kay Cris at Rica. Medyo nagkatinginan kaming tatlo. At balik ulit tingin sa harap. 'Bakit kaya niya ako pinapunta sa office niya? Dahil ba kanina? Papagalitan ba niya ako?' ************ –PATRICK POV— "TL ka pero parang hindi?!! Imbes na ikaw yung gagayahin ng mga members mo for your good works, e ikaw yung nagsisimula nung ano-ano! And Tita said, ikaw yung employee of the month! Always!" "And she said too, kaya ka niya prinomote bilang Team Leader dahil dun! Inaabuso mo ba ang pagiging Team Leader mo?!" Galit at naka-crossed arm kong sambit "Hindi po sir Pat. Sorry po" sagot niya habang nakayuko pa din. Umupo ako sa swivel chair ko "Baka sasabihin mo atang wala akong puso. Pinapatawad na kita" "SALAMAT!" "But make sure na hindi na ito mauulit. Kapag sinabi ng boss niyo na go back to work ay go back to back! Huwag na makipag-chissmisan pa! Do you understand Mr. Agustin Calahat?!" "Yes po Sir! Salamat po talaga!" Nakangiti niyang sambit Sumenyas naman akong umalis na sa opisina ko na agad naman niyang sinunod. Pero bago siya makalabas ay may sinabi muna siya "DI BAGAY SAYO ANG PAGIGING MASUNGIT BOSS!" Tapos ay tuluyan na siyang umalis ____________________­__________ —ELAINE POV— "Ako na diyan Elaine" ani Zep dahilan din ng pagtingin ko sa kaniya "Sige. Ikaw bahala... Weyt... Magbabayad muna ako" Kinuha ko naman ang aking pera at binayad dun sa tindera. Ta's tiningnan ko ulit si Zep "A zep, dun tayo oh! Sakto may bakante pa!" Umuna naman akong maglakad at naramdaman ko na lang na sumunod siya sa akin Pagkarating namin ay umupo na lang din ako "My beautiful lady Elaine, mahilig ka talaga sa mahanghang noh?" Saad niya sabay upo "Ikew nemen. Elaine na lang. Ang haba kasi ng 'My beautiful Lady Elaine'. Tsaka, oo ang sagot ko sa tanong mo. Nasa dugo na kasi namin ang pagkahilig sa mahanghang. Lalo na gang halang-halang. Ikaw Zep? Anong paborito mong pagkain?" Saad ko habang kinukuha sa kaniya yung pagkain ko "Liempo. Mahilig din kaming lahat sa liempo. Kaya nga liempo ang negosyo namin ngayon" aniya "Huh? May negosyo pala kayo?" Medyo nagulat pa ako. Medyo lang hihihi. "Oo. Ang pangalan ay FAMILA CASTRO DE LIEMPO" "Pangalan pa lang angganda na ah?! Sigurado akong sobrang sarap din ng liempo noh?!" "Oo naman" I felt something. Parang mali. Nalungkot kasi ang mukha niya. "Zep, parang nalungkot ka ah nung nabanggit ang apelyido niyo este ang pamilya mo. Hindi naman sa nangingialam ako ah? May masama bang nangyari?" Ilang segundo muna ang lumipas bago siya makasagot. Palipat-lipat ang tingin niya kung saan. At iniisip niyang... Kung sasabihin ba sa akin ang totoo o hindi "A Elaine... Puwede bang sa susunod ko na lang iku-kwento sayo?" Aniya "Ok lang Zep. Makapaghintay naman ako. Sorry pala for asking" "Ok lang" Pareho na naming ginalaw ang pagkain. Ta's huminto muna ako. "Hindi ako sanay na malungkot ka Zepzar" tumingin ulit siya sa akin "Baka babalik din yung sigla ko mamaya Elaine. Kumain na lang tayo" "Sige" ______________________________ —RICA POV— "HI BABE!" Walang ganang tiningnan ko si Ash "Nandito ka namang lalaki ka?! Puwede bang umalis ka na lang kung ayaw mong lalo akong magalit sayo?!" Tinalikuran ko siya. "Ang sungit mo naman babe. Araw-araw na yan ah? May dalaw ka ba?" Hindi ko pa din siya pinansin. Sumunod lang siya sa akin ng sumunod. Hanggang sa makarating ako dito sa cafeteria. Umupo naman kaagad ako sa bakanteng upuan. Pagkatpos ay kinuha ang cp. Magbabasa na lang ako "Kumain ka na babe? Sigurado akong hindi pa. Weyt, bibili muna ako ng pagkain" Aalis na sana ito ng tawagin ko "Halika muna dito Ash" Balik siya sa pagkaupo at ang lapad pa ng ngiti ng mokong "Ba't mo ba ito ginagawa? Bakit parati mokong sinusundan? Ano bang trip mo?!" "Cause I like you Rica... Sinabi ko naman sayo nung una pa diba?" "Puwes ako hindi kita gusto! Never akong magkakagusto sa isang babaero!" "Grabe ka naman makapagsalita" "Realtalk lang" inirapan ko siya "And then ipapakita ko sayo na nagbabago na talaga ako. Ipapakita ko sayo kung gaano kita kagusto! I think nga, mahal na kita" Bwesit! "Alam mo Ash, salamat sa pagmamahal mo sa akin. Ayokong saktan kita. Alam mo namang prioritize ko family ko diba?" "Oo naman. Pero hahayaan mo sana ako.... Hahayaan mo ako sa gagawin ko... Sana oo ang sagot mo... Puwede ba kitang ligawan Rica?" Ilang segundo pa ang dumaan bago ako nakasagot "Ash naman! Hindi nga ako ready sa ganyan-ganyan diba?!" "Maghintay ako. Handa akong maghintay. Basta hayaan mo lang ako na ligawan kita ah?!" "Bahala ka nga!" Bumalik na lamang ako sa pagbabasa ng wattpad ____________________­__________ —SOME PERSON POV— "Mga gago talaga kayo! Buti na lang wala si mommy nung Biyernes!" Wika nung isa "Wala namang pake yung nanay mo sayo!" "G*g* ka ah?!" Habang sila'y nagtatalo. Nandito lamang ako sa gilid na malalim ang iniisip. "Uy guys!" Tumingin naman sila sa akin "Itigil na kaya natin toh?! Sobrang nakonsensya na ako e. Gabi-gabi na nga ako binangungot ni Mrs. Balmonte" "So aalis ka ah?! Sige, subukan mong umalis. Alam mo ang mangyayari sayo" Hindi na lamang ako sumagot at tumahimik na lamang .... *******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD