CHAPTER 20

1462 Words
_____________________________ —NATHANIEL POV— Nandito kaming magkakaibigan sa hide out namin. Tahimik lang ang lahat at iniisip yung nangyari sa amin nung nakaraang araw. Tahimik lang ang lahat ng binasag ni Gian ang katahimikan. "Mga tol, kung sino man sa inyo ang gustong umalis sa grupong ito ay... You'll free. Alam kong galit na galit yung mga parents niyo. At dahil yun sa akin. Sobrang galit na galit din sila mom and dad sa akin" "Pinalaya nila tayo pero ang kapalit nun ay magbabago na ako. Magbabago na ang grupong ito. Kung mauulit pa raw ito ay hahayaan na lang nila tayong makulong.... Mga tol, patawad ah? At kung may gusto mang umalis. Sige... Umalis na kayo" mahabang saad niya Kanina pa pala siya napaluha. Nagsimula naman ang ibang lumapit sa kaniya. "Tol Gian, ayoko mang umalis pero wala na akong magagawa sa magulang ko. Pupunta na kami sa ibang bansa" "Ako naman tol Gi, patawad kung aalis ako. Ayoko na kasing makatanggap ng malakas na sapak galing kay papa" Sunod-sunod naman silang nagbigay ng ilang dahilan. May iilang umalis at may iilan din nag-stay. Hanggang sa... Ako na ang magsasalita. "Ikaw Nathaniel, aalis ka?" Tanong ni Gian. Tumingin naman silang lahat sa akin Umayos muna ako ng tayo dahil nakasandal ako sa pader kanina lang. "Hindi... Yan ang sagot ko. Bakit ko naman iiwanan ang mga taong nagbibigay ligaya sakin nung ako'y nasa kalungkutan. Yes mga tol. Alam kong mali at illegal ang mga ginagawa niyo. Gusto ko nang umalis at magsumbong pero... Pinaalala saking isipan yung mga masasaya nating pinagsamahan" saad ko "Oo. Ang tingin sa atin ng iba ay tambay, walang kwenta, walang kinabukasang mga bata at kung ano-ano pa. Pero para sa akin, mabuti kayong lahat. Kayong lahat at itinuturing ko ng kuya ko. Pinapatuhan niyo 'ko at iba pa. At dahil din sa inyo natuto akong maging matapang at lumaban. Kaya bakit ko kayo iiwan? Kayo mga tol ang una kong naging kaibigan. Kaya stay ako!" Matapang na pagkasabi ko habang patingin-tingin pa sa kanila. "Paano na yung kuya mo? Hindi ba siya magagalit?" Tanong ni Gian "Hindi siya magagalit. Ipapakita ko lang sa kaniya na nagbabago na ang grupong ito. From masamang gawain, to mabuting gawain. At yan ang ipapakita niyo sa mga magulang niyo" saad ko Napalingon ako dun sa nagsalita "I agree to Nathan, ipapakita lang natin sa kanila na nagbabago na talaga ang grupong ito" aniya "Stay ako" sambit ko sabay inilapag ang kaliwang kamay sa hangin "Same here" "Ako din" Sunod-sunod naman nilang ipinatong ang iisa nilang kamay. Tapos ang panghuli ay si Gian. "Salamat mga tol ha? Promise ko talaga sa inyo, bilang lider ng grupong ito. Magbabago na tayo" "PARA SA PAGBABAGO! UWAA!" sabay-sabay naming sigaw at sabay-sabay taas ng kamay May ibinulong naman si Dort na katabi ko lang sa akin "Ang tapang mo kanina Tol ah? Bagay ka maging isang lider ng grupo" "Di naman. Inilabas ko lang yung gusto ko" ***FAST FORWARD*** _______________________________ —CHRISTOPHER ENRILE— "Magandang gabi kuya" napalingon ako sa nagsalita "Magandang gabi din Niel. Mabuti't nakauwi ka na. Magbihis ka muna dun para kakain na din tayo" sambit ko sa kaniya "Ahh sige po kuya" Pumasok naman ito sa maliit niyang kuwarto. "Dalian mo ah? Bawal paghintayin ang pagkain!" Sigaw ko pero wala akong nakuhamg sagot mula reto. Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito. 1 notification from f*******:, nakalimutan ko pala kanina na patayin ang data ko. Tiningnan ko naman ito at memories pala ito last 10 years ago. Ang tagal na noh? Pero kayo wala man lang katagal-tagal. Peyn. Ang picture sa memories ay syempre bata pa ako. Nagdra-drawing ako sa isang sketch pad. At paint na din. Napangiti naman ako dahil dun. 'How I missed those days na mahusay pa akong gumuhit. Magaling din pa ba kaya ako ngayon? Hidden talent ko ang pag-drawing. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit napakaganda ng mga guhit ko. Puwede siya ibenta' "Kuya, balik ka kaya sa pagguhit" medyo nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ng kapatid ko "Ahh ehh.. Niel! Baka hindi pa ngayon. Ewan ko pero susubukan ko" sagot ko "Tapos ka na palang magbihis, halika, kumain muna tayong dalawa" ****KINABUKASAN**** Aalis na sana ako para magtrabaho ng bigla kong naalala na may sasabihin na naman ako kay Niel. Tiningnan ko naman siyang naglilinis ito. "Niel!" Huminto ito "Yes kuya?!" Pumasok ulit ako sa loob ng bahay "Araw ng linggo bukas at alam mo namang day off ko. Sasabihin ko lang na... Gagala tayo bukas. Tayong dalawa lang" sambit ko na ikinangiti ng mukha niya "Talaga kuya? Saan naman tayo pupunta??" Sa kasiyahan niya ay napalapit pa ito sa akin na nakangiti "Ikaw ang bahala, kung san mo gusto. Saan ba ang gusto mo Niel?" "Uhm... Doon na lang po sa bagong bukas na zoo!" Maligayang sagot neto "Sige ba. Pero kailangan mamaya pag-uwi ko sa bahay ay sobrang linis na ah?" "Oo naman kuya!" Ginulo ko naman ang buhok neto. "O siya aalis na ako. Mag-iingat ka dito" saad ko "Ikaw din kuya" Aalis na sana ako ng tinawag niya ako. "Teka lang Kuya! May naalala pala ako. Teka lang, diyan ka muna" aniya tapos ay umalis Umupo na lang ako. Hindi din naman nagtagal ay bumalik na si Niel at may dala na ng mga..... Artwork?? "Kuya nakita ko ito sa kuwarto mo kahapon habang naglilinis ako. Maganda talaga yung mga ginuguhit mo kuya oh!" Aniya at ipinakita sa akin yung dala niya 'Mga drawings ko ito lahat noon' "Nandito pa nga ako kuya oh!" Ipinakita naman niya sa akin yung siya "Akin na nga yan" kinuha ko naman sa kaniya ang medyo di kalakihan kung mga gawa at isa-isang tiningnan "Naalala ko pa yung mga araw na iginuguhit ko ito oh!" Sambit ko at napapangiti na lang. "Oo nga kuya. Ta's todo kulit pa ako sayo nun na maglaro tayo. Kailan ka ba babalik sa pagguhit kuya? Sayang din naman kasi" Ilang segundo muna ang lumipas bago ako nakasagot. Inilagay ko muna sa gilid ko ang mga artwork na hawak ko. At bumuntong hininga pa ta's tiningnan siya "Sa tamang panahon Niel" sabi ko sabay gulo ulit sa kaniyang buhok at ningitian ****FAST FORWARD*** __________________________ —MHEARL POV— [Sige na Earl! Pumayag ka na! Plsss??] katawag ko ngayon si kuya Pat. At kinukulit niya akong sumama sa kaniya bukas. Saan nga raw? "May trabaho ako kuya. At saan nga tayo pupunta kung sakaling papayag ako?" Aniko habang pasandal sa aking swivel chair [Ano ba yan! Araw ng linggo yan inaatupag? Rest day yan diba] Hay naku! Kahit kailan talaga ay napakakulit ng lalaking ito! "O siya sige na kuya! Saan nga ulit tayo pupunta?" [Sa zoo. Diba gusto mong makakita ng panda? Doon kasi sa bagong bukas na zoo ay may mga panda. Kaya naisipan kita] saad neto "Bakit? Mukha ba akong panda ganern?" Napairap naman ako. [Hoy bunso! Nakalimutan mo na bang favorite mo ang mga panda?] alam ko naman haha "O sige kuya! Sasama ako sayo bukas!" [Salamat Earl!] "Welkam. Ibababa ko na kuya ah? Mag-iingat ka" pinutol ko na talaga ang tawagan namin Balik ako sa laptop ko. Nag sss ako ngayon kasi kinakausap ko yung mga costumers na nasa malalayong lugar. O diba, chada! Kadalasan sa mga costumers namin ay mga bride at hanap nila ay wedding gown. Naghintay ako sa reply ng isang customer kaya nag-scroll scroll muna ako sa f*******: ng biglang napahinto ako dahil nakita ko ang shinare ni Cris na I think from his memories. May nakalagay kasi na last 10 years ago. 'Teka, parang pamilyar sakin ang mukha ni Cris nung bata pa siya. Parang nakita ko na siya somewhere?' At di ko na maalala kung saan. Mga bata pa talaga kami e! Nag-scroll down ulit ako. Ayokong ipaalala ang ayaw naman ipaalala. Sabi nga nila diba na, huwag pilitin kung ayaw. Aw chaar HAHAHHA Napatigil ulit ako dahil sa nakita ko. Yung kaninang masaya ay napalitan. Biglang kumirot ng konti ang aking puso. Isang post lang naman ni Agatha ang nakita ko. Nag-beach lang naman sila gaya nung sinabi niya sa akin nung nakaraang araw at kasama pa niya si Blake. Sino siya? Malalaman niyo din ang lahat. Yakap-yakap ni Agatha si Blake sa may bewang neto. Hindi ko namalayang napatulo na pala ang isang butil ng luha ko. 'Teka teka. Bakit ganito? Akala ko ba okay na ako?" Saad sa isipan ko "Okay ka na Earl diba?!" Parang baliw sabi ko sa sarili. "Okay ka na at tsaka may mahal ka nang bago diba?!" "Teka.. Mahal mo na ba talaga yun? Handa at kaya mo na bang magmahal ulit?" Napayuko na lamang ako dahil wala akong makuha ni kahit isang sagot .... ******************* TO BE CONTINUED....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD