“Bakit naman basta mo nalang binuking ang tungkol sa atin?” Tanong niya kay Quinn habang magkahawak kamay silang naglalakad sa dalampasigan. “Gusto ko lang malaman ni Lola na hindi kana dapat na ireto sa iba. You're mine, baby.” Tugon ni Quinn. Dapit hapon na at kasalukuyan parin silang nasa tabi ng dagat. Habang naglalakad at nakatanaw sa papalubog na araw doon namamangha na naman siya dahil sa mga kumbinasyon ng kulay ng mga ulap at idagdag pa ang mala-asul na kulay ng tubig at malalaking alon na naghahampasan. Halos ilang oras na silang naglalakad at hindi man lang nila alintana ang lamig ng simoy ng hangin. “Sabi na eh, nag mo-moment kayo dito.” Untag sa kanila ni Riki. Gusto niyang bumitaw sa magkahugpong nilang mga kamay ni Quinn ngunit hindi iyon hinayaan ni Quinn na bumitaw. Na

