AKEESHA'S POV Alas singko pa lang ng umaga pero gising na gising na ang diwa ko. Foundation Day na ngayon at naeexcite ako dahil malilibot ko na ang buong Elemental World. Kasama sa selebrasyon ng Foundation Day ang apat na kaharian kaya makakapunta kami ngayong araw dito. Sa paglibot sa apat na kaharian namin gugugulin ang maghapon at mamayang gabi ay ang Elemental Ball naman. Alam kong lahat ng estudyante ay excited para sa araw na ito dahil ito ang unang beses na makikita namin ang apat na kaharian. Masisilayan na namin kung ano ba talaga ang itsura nang Elemental World bago sumiklab ang unang digmaan noon. Bumangon na ako at nagderetso sa CR para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng simpleng jeans, tshirt at sneakers katulad lang ng ayos ko last year. Mahaba-habang

