RYSHA'S POV "Saan ba talaga tayo pupunta?" naiinis kong sabi kay Michael. Kanina pa kasi kami naglalakad ni Michael. At kanina ko pa rin siya tinatanong pero hindi naman niya ako sinasagot ng maayos. "Mainipin ka talaga no?" balik tanong naman niya sa akin. Napairap na lang ako. Wala talaga siyang balak na sagutin ang tanong ko kaya tumahimik na lang ako. "We're here," nakangiti niyang sabi sa akin. Napatingin naman ako sa lugar na pinagdalhan niya sa akin. At awtomatikong napakunot ang noo ko. "Falls?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Ito na ba ang pasyal na sinasabi niya? Mamamasyal kami sa falls? "Oo, falls. Kaya maupo ka muna doon." Itinuro sa akin ni Michael ang isang malaking bato malapit doon sa falls. Sinunod ko na lang siya kahit na sobra na ang pagtataka ko kung baki

