RYSHA'S POV "Next is Mr. Michael of Section A Mr. Nick of Star Section." Tahimik na bumaba si Michael at dumeretso sa gitna ng gymnasium. Nakita ko pa ang pagsulyap niya kina Tita Athena at Tito John. Nang magkaroon sila ng shield ay agad na nagpalabas ng Fire Ball si Nick. Pareho pala silang Fire Elementalist. Mukhang magiging mainit ang magiging laban ng dalawa, literal na mainit. Agad na inatake ni Nick si Michael ng Fire Ball. Nakaiwas naman agad si Michael at gumanti siya ng Fire Spikes. Magaling ding umiwas si Nick at hindi man lang tinamaan ng atake ni Michael. "Sa tingin mo ba, magpapatalo si Michael?" tanong ko kay Throy na seryosong nanonood. "Hindi ko alam. Lumaki kaming magkasama ni Michael pero minsan, nagugulat pa rin ako sa mga iniisip at nagiging desisyon niya," seryos

