RYSHA'S POV Sabado na ngayon at hindi ko pa nakikita si Throy. Pagkauwi ko kasi sa bahay kahapon ay nagkulong lang ako sa kwarto. Ayoko muna talaga siyang makita o makausap. At tutal ay weekend ngayon, napagpasyahan ko na lumabas muna ng bahay para muling maglibot libot. Balak kong gugulin ang maghapon ko sa paglibot sa apat na kaharian. Maaga akong gumising ngayon upang masulit ko ang maghapon ko. "Rysha, teka lang." Napairap na lang ako nang makita ko si Throy sa may garden ng bahay. Akala ko ay tulog pa siya since walang pasok ngayon pero nagkamali ako. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy lang sa paglalakad ko ngunit nahawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako. "What?" walang ganang tanong ko sa kaniya. "Regarding kahapon, please Ry, let me explain," seryoso niyang sabi sa a

