RYSHA'S POV Patuloy lang ako sa paglipad at konting konti na lang ay malapit na kaming makalabas ng gubat. Nakakapagtaka nga lang dahil parang masyadong payapa ang paligid namin. Ayon kasi kina Zairah ay marami raw kaming makakasalubong na creatures o kaya naman ay ibang grupo. Pero bakit hanggang ngayon ay wala pa rin kaming makita. Ang weird naman. At sa labis na pag-iisip ko ay hindi ko napansin na may nabangga na pala ako. Malakas ang impact ng pagkakabangga ko kaya nawalan ako ng balanse at tuloy tuloy na bumagsak. Pero bago pa man ako tuluyang bumagsak sa lupa ay nasalo na ako ng isang Air Disk. Mabilis akong tumalon sa Air Disk at tumingin kay Throy. "Thanks Throy," mahina kong sambit. Alam ko naman kasing sa kaniya ang Air Disk na iyon dahil kami lang dalawa ang Air Elemental

