RYSHA'S POV "Mommy," Napahikbi ako habang deretsong nakatingin kay Mommy. Nawala ang shield na ginawa ko kaya dere deretsong tumama ang mga atake nang dalawa sa akin. Pero wala akong maramdamang kahit na ano dahil mas nangingibabaw sa akin ang emotional pain dahil sa pagkakasaksak sa akin ng mommy ko. Alam kong ilusyon lang ang lahat ng ito pero nasasaktan ako. Naglaho si Mommy pati na rin sina Michael at Throy. Ang naiwan na lang ay si Ian at ang Tita niya. Malakas na halakhak muli ang umalingawngaw sa paligid. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko gagamitin ang pagiging Psyche ko sa pakikipaglaban sa mga Elementalist ngunit hindi ko na kaya pang mapatawad ang ginawa ng tita ni Ian. She made Ian's life miserable and she broke my heart. Nagagawa niya ang mga ito hindi dahil sa gem ko, kund

