THIRD POV Alas siete ng umaga ay papunta na sa academy si Throy. Hindi niya kasabay si Rysha dahil sabi ng mama niya ay maaga raw itong umalis upang makapag masid masid sa lugar. Mukhang nabaligtad na ang sitwasyon, si Rysha na ang umiiwas kay Throy. "Throy!" Napalingon si Throy sa tumawag sa kaniya. Nakangiting tumakbo si Audrey palapit sa kaniya. Malapit lang bahay nito sa bahay nila. "Papasok ka na rin?" tanong ni Audrey sa kaniya ng makalapit na ito. "Oo," nakangiti naman sagot niya sa dating kaibigan. "Sabay na tayo," sabi naman sa kaniya nito. "Hindi ka ba nababahala na makita tayo ng mga taga Star Section?" tanong naman niya. "Hindi. At saka pag malapit na tayo sa academy mauuna ako sa iyong pumasok para walang makakita sa atin," nakangiti namang sagot ni Audrey sa kaniya. N

