RIYA'S POV "Athena, umuwi ba si Akeesha kagabi?" Ito agad ang bungad ko kay Athena nang magising kami. Nauna na kasi kaming umuwi kagabi at agad na nakatulog dahil sa sobrang pagod. Paggising ko ngayong umaga ay hindi ko nadatnan si Akeesha sa bed niya. "Hindi ko alam dahil maaga rin akong nakatulog kagabi," sagot naman ni Athena sa akin. Bumangon kami pareho at mabilis na nagtungo sa kusina. Naabutan namin sina Jethro at John na nagkakape. "Si Ryan?" tanong ko sa dalawa. "Wala siya paggising namin. Baka maaga silang umalis ni Akeesha?" sagot naman ni Jethro. "At hindi man lang sila nagpaalam sa atin?" patanong na sambit ni Athena. Exactly. Hindi basta umaalis si Akeesha nang hindi nagpapaalam sa amin. Kahit tulog pa kami ay gigisingin niya kami para magsabi na aalis siya. Kaya pal

