CHAPTER 7

2116 Words
"I MISSED this." Sambit ni Iñigo habang kumakain sila ng cup noodles sa convenience store sa loob ng school. Niyaya kasi siya nitong kumain dahil wala pa raw itong almusal. Kaya sa convenience store niya nalang ito dinala, para hindi na rin sila lumayo pa. "Wala bang convenience store sa Amerika?" Tanong niya rito habang kumakain. "Meron, what I mean is, with you." Hinarap siya nito. "I missed being with you. Naalala mo madalas tayo sa convenience store malapit sa school natin noong? Grabe parang kailan lang." Pag alala nito sa ginagawa nila dati. Ngumiti siya. Siya rin naman ay na miss ito at ang bonding nila dati. Kung si Georgina at Jessica ang mga kaibigan niyang babae, ito naman ang kaibigan niyang lalaki. Idadag pa na lihim niyang crush ito noong high school. Naalala niya pa noong high school lagi silang mag kasamang dalawa dahil parehas sila ng hilig at gusto, ang mag aral at mag tapos ng medisina. Ang problema lang ay hindi matutupad ni Iñigo ang gusto nito dahil ito ang taga pagmana ng Law Firm ng tatay nito. Ito lang kasi ang lalaking anak ng tito Edwardo niya. Kaya kahit ayaw nitong maging abogado ay wala itong magagawa. Ito na ang nakatadhana dito. "Tapos laging cup noodles ang binibili mo kasi sabi mo hindi ka nakakatikim nun pag nasa bahay ka ninyo." Sabi niiya rito. Nilingon siya nito. "Ikaw rin naman iyon ang binibili ah." "Dahil iyon ang inililibre mo sakin kaya wala akong choice. Muntik pa akong magka UTI sayo." Sabi niya rito. "Bakit hindi ka nagsabi?" Natatawang sabi nito. "Libre yun ehh mamaya pag nag reklamo ako hindi mo na ako ilibre." Sagot niya rito. "Of course not. Kahit ano pang gusto mo ay bibilhin ko." Sabi nito habang nakatingin sa kanya. "So how are you? Hindi tayo masyadong nagkausap dahil ang bilis mag maneho ni Georgina." Tanong nito sa kanya. "Parehas lang naman kayo." Komento niya. "Of course not. Hindi ako ganoon magmaneho pag may kasama ako sa loob ng sasakyan." Tanggi nito. Ngumiti naman siya. Totoo naman iyon madalas siya nitong ipag drive noon at maiingat nga ito pero minsan ay mabilis pa rin itong mag maneho. "So mabalik tayo. Kamusta ka?" Tanong muli nito sa kanya. "I'm fine, next sem ay mag i-internship na ako." Sabi niya. "Nag iisip pa ako kung saan ako mag a-apply para sa internship ko." "That's good to know. Unti-unti mo ng natutupad ang pangarap mo. For sure naman ay marami ang tatanggap sayo dahil maganda naman ang mga grades mo." Sumubo ito ng noodles nito. "Anyway, I want to know if you have a boyfriend now and who is the guy earlier?" Uminum muna siya bago sumagot. "I don't have a boyfriend. Wala akong time para sa ganoong bagay. Alam mo naman na ang focus ko ay ang pag-aaral ko marami akong dapat unahin." "So who is the guy earlier?" "His nothing, wala lang magawa iyon kaya ako ang ginugulo magsasawa din yon." Bakit parang may kumurot sa puso niya ng maisip iyon? Gusto ba talaga niyang magsawa sa pansin sa kanya si Jared? "I don't think na trip ka lang niyang guluhin. I think he likes you." Sabi nito. Natawa siya. Si Jared? Magkakagusto sa kanya? "Napaka imposible naman ng sinasabi mo. Malabong magkagusto sa akin ang ugok na iyon masyadong babaero yon." "Well, I don't care if he likes you. But how about you? Do you like him?" Muling tanong nito sa kanya. Nilaro-laro niya ang noodles na kinakain niya. "No." Nagsisinungaling siya. Inamin na niya sa sarili niya na gusto niya ito. Pero hindi pa rin siya handa na ipagsabi iyon. Wala din naman mangyayari dahil hindi rin naman niya susundin ang nararamdaman niya. "Are you sure?" Paninigurado nito. Tumingin siya rito. Isa sa mga expertise niya ay ang magtago mg nararamdaman. " Yes." Ngumiti ito na para bang kontento sa sagot niya. Marahan niya itong pinagmasdan habang kumakain ng noodles. Napaka gwapo rin talaga nito. Kung pagtatabihin si Jared at si Iñigo ay tyak na mahahati ang kababaihan dahil sa tingin niya ay pantay ang taglay na kagwapuhan ng dalawa. Kung katulad lang ito ni Jared ay for sure na marami na din itong naipaiyak. Iyon kasi ang pinagkaiba ng dalawa. Kung si Jared ay napaka palikero. Ito naman ay hindi. Ni minsan ay hindi ito pumatol sa mga babaeng may gusto rito. Naalala niya pa kung paano makiusap ito sa kanya na mag panggap na girlfriend nito para lang makaiwas sa mga babaing may gusto rito. Ito kasi ang pinaka sikat at pinaka gwapo sa school nila noong high school. "Ikaw kamusta sa Amerika?" Tanong niya naman rito. "Okay naman kaso wala ang girlfriend ko roon. Kaya maraming nalapit sa akin." Sabi nito na umakto na nagtatampo. "You can hire one, kung talagang ayaw mong may lalapit sa iyo na mga babae." "Tinatamad ako eh. Saka tingin ko walang magaling um-acting sa mga foreigner." Sabi nito. "You're in Hollywood Iñigo. Maraming magaling umarte dun." Paalala niya rito. "Kahit gaano pa sila kagaling umarte wala pa ring tatalo sa performance mo." Kinindatan pa siya nito. Paro ang kindat nito ay wala nang epekto sa kanya. Napangiti naman siya. "Ewan ko sayo." Napailing siya. Kung may gusto pa rin siya rito sa mga oras na iyon ay tyak na kinilig na siya sa mga sinasabi nito. Pero iba na ngayon. May iba na siyang gusto. "Tara na nga baka kung ano pa ang sabihin mo eh." Yaya niya rito at tumayo na sa kinauupuan. ----- MASAMANG tinititigan ni Jared ang kaibigan niyang si Dylan habang nasa canteen sila. Ang sabi nito ay may klase sila pero ang ending ay dito lang pala sa canteen ang punta nilang dalawa. Naiinis siyang isipin na iniwan niya si Sam sa kamay ng kung sino mang poncho pilatong iyon. Kanina ay natunghayan niya kung paano hawakan nito ang kamay ni Sam. At talagang kumukulo ang dugo niya, maalala pa lang iyon. Bakit ganun nalang ito makahawak kay Sam? Sino ba ito sa buhay ng dalaga? "Masarap talaga ang carbonara nila dito." Sabi ni Dylan habang sumusubo pa ng pasta. Sa halip na sumagot ay tiningnan niya na naman ito ng masama. Napipikon pa rin siya rito dahil parang yung lalaking iyon pa ang pinaboran nito imbes na siya. "Alam mo ang pogi din talaga ng kapatid ni Georgina ano?" Tanong pa nito sa kanya. Oo nga pala at kapatid daw ni Georgina ang lalaking iyon. Kaya pala may hawig ito sa babae. "Mas pogi pa rin ako sa kanya." Maikling tugon niya. "Sino ba siya sa akala niya para hawakan si Sam ng ganun ganun na lang. " "Close siguro sila, dahil hindi naman magpapaiwan si Sam doon kung isang asungot lang ito sa buhay niya." Sabi nito sabay tingin sa kanya. "Bakit?" Takang tanong niya rito. "Naisip ko lang. Magkaiba ang pakikitungo ni Samantha sa inyong dalawa. Ikaw halos bugahan niya ng apoy samantalang ang kuya ni George ay hinayaan niya lang na hawakan ang kamay niya." Napaisip din siya. Kung iisipin nga ay tama ito. Ibang iba ang pakikitungo nito sa kanya. Kanina ay grabi siya nitong itaboy. Siniko at inapakan pa nito ang paa niya para lang mapaalis siya. "Mukhang may karibal ka na Jared." Sabi pa ng ugok na si Dylan. "Kasalanan mo tong lahat ehh. Bakit mo kasi ako hinila paalis kanina? Pano kung may iba pang nangyari sa kanila bukod sa hawakan ng kamay?" Inis na sabi niya rito. "Chill man, mukhang magkaibigan lang naman sila kaya sa tingin ko naman ay may pag asa ka pa. Ang kailangan lang ay mapa amo mo si Sam." Kumunot ang noo niya. "Dapat ba akong sumunod sayo? Samantalang ilang taon mo nang nililigawan si Georgina pero hindi mo pa rin nakukuha ang loob niya?" "Alam mo kasi, introvert si George. Nahihiya siyang ipakita ang pagmamahal niya sa akin kaya dinadaan nalang niya sa pag susungit." Sagot nito sa kanya. "Ewan ko sayo. Paniwalain mo lang ang sarili mo, dyan sa gusto mong paniwalaan." Naiiling na sabi niya rito. "Pero kidding aside Jared. Kailangan mo talaga ng plano para mapaibig si Sam. Hindi uubra ang pa stalk stalk mo lang. Lalo pa at hindi maganda ang image mo sa kanya." Ou nga at tama pa rin naman ito. Hindi nga maganda ang image niya rito. Kung bakit naman kasi ang pangit ng first impression nito sa kanya. Ngayon tuloy ay ang hirap ng pagandahin ang image niya rito. "May suggestion ka ba para matalo ko ang lalaking iyon sa pag papaimpres kay Sam?" Tanong niya rito. "Syempre mayroon. Ako pa ba? Si Dylan the love expert yata to." Pag mamayabang pa nito. Tama kaya na dito siya humingi ng tulong? Para kasing parehas lang silang mababasted pag ipinagpatuloy niya pa iyon. Idadamay pa yata siya nito. Pero wala naman siyang choice. Dahil wala naman siyang kilalang pwedeng tumulong sa kanya para mapaibig si Sam. Siguro ay magbabaka sakali nalang siya sa tulong nito. 'Bahala na nga!' Sabi niya sa isip. "Una huwag ka ng mambabae." Patuloy nito. " Kung ang tingin mo ay magiging effective ang ginagawa mo. Ay nagkakamali ka. Lalo mo lang siyang pinapalayo. At ayon sa source ko, ang pinaka ayaw daw ni Sam ay ang pagiging babaero." "Sino ang source mo?" Kunot noong tanong niya rito. "Si Jessica. Siya rin ang asset ko kay Georgina." Mukha naman palang reliable ang source nito dahil mismong kaibigan ni Sam si Jessica. Pero paano nito nakakausap si Jessica? "I suggest, na kunin mo rin ang loob ni Jessica. Siya kasi ang madaling makapalagayan ng loob sa tatlo. Wala kang mapapala kay Georgina. Baka tarayan ka lang nun at isa pa, for sure ang boto nun ay sa kuya niya." "So sinasabi mong para makuha ko ang loob ni Sam ay kailangan kong makuha muna ang loob ni Jessica? Bakit ko naman gagawin iyon?" Tanong niya rito. "Dahil pag nakuha mo ang loob ni Jessica siya na ang tutulong sayo para makuha mo ang loob ni Sam." Sagot naman nito. "Akala ko ba ay ikaw ang tutulog sa akin?" Takang tanong niya rito. "My friend." Lumipat ito sa tabi niya at inakbayan siya. "Baka nakakalimutan mong may love life din akong dapat asikasuhin." Ang tinutukoy nito ay ang panunuyo nito kay Georgina. Na halos tatlong taon na nitong pinupormahan. Samantalang parehas silang palikero noong high school sila. Hindi niya alam kung anong nakita nito sa dalaga eh mukhang matigas pa sa bato ang damdamin nun. Naalala niya pa kung paano nagkagusto si Dylan kay Georgina. 'Nasa canteen sila ng mga oras na iyon upang kumain ng tanghalian. Pangalawang taon palang nila sa med school pero parang drain na drain na utak nila. "Ayaw ko ng pumasok!" Himutok niya. Feeling niya ay sasabog na ang utak niya. Tinapik ni Dylan ang balikat niya.'"Wala kang magagawa Jared kailangan na natin tong gawin dahil ito ang sumpa ng pagiging nag iisang anak." Bumuntong hininga siya. Maya maya ay may nakita sila kumosyon sa di kalayuan ng mesa nila. "Don't you dare touch me!" Tinig iyon ng isang babae. At magmumula iyon sa kumosyon sa di kalayuan. Hindi nila makita ang nangyayari dahil maraming istudyante ang nakikiusyoso doon. Napalingon siya kay Dylan ng tumayo ito. "Saan ka pupunta?" Tanong niya rito. Ngunit sa halip na magsalita ito ay nagtungo ito sa kinaroroonan ng kumosyon. Siya naman ay napatayo na din. Nang makarating sila doon ay tumambad sa kanila ang isang magandang babae. Maikli ang buhok nito. Hawak nito ang braso patalikod na wari ba ay babalian nito ng buto ang isang lalaki. Kilala niya ang lalaki, si Daniel iyon. Isa sa mga feeling pogi ng eskwelahan nila. "Ah! Aray!" Hiyaw ng lalaki. Mukhang nasasaktan nga ito. "Who told you that you can touch me?" Nagbabagang sambit ng babae. Iba talaga ang aura nito. "The next time you touch me. You'll die, understand?" Sabi pa nito at hinampas pa nito sa ulo ng lalaki ang tray na hawak nito. 'she's tough but not my type.' Sambit niya sa sarili. Masyado itong matapang at hindi maganda iyon sa ego niya l. Kuntento na siya sa mga babaeng lumalapit sa kanya. at least siya ang batas. Tumayo ang babae at naglakad papalabas ng canteen. Hindi nito alintana ang mga taong nakapaligid at nakikiusyoso. Habang papalayo ang babae ay narinig niyang nagsalita si Dylan. "Ang cool niya.." Napalingon siya rito. Nakasunod din ang tingin nito sa babaeng papalayo.' At iyon ang simula ng panunuyo ni Dylan kay Georgina. Na love at sight yata ito sa babae. Nalaman na lamang niya ay freshman law student pala ang babae sa school nila at ang pangalan nito ay Georgina Larazabal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD