Chapter 4

1407 Words
Dei's POV Pagtapos kong ayusan ang sarili ko ay lumabas na ako ng kuwarto. Sakto namang tumunog ang doorbell. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Kyle. "Uhh-hi." Nag-aalangan niyang bati. "Sakto ang dating mo. Tara na?" Yaya ko at tumango siya. Nauna na akong maglakad papuntang elevator. Buti na lang at nag-flat shoes lang ako. I'm in a lace dress, though. "You look beautiful tonight," sabi niya kaya inirapan ko siya. "Why?" Tanong niya. Bumukas ang pinto ng elevator at sumakay kami. "Ano bang beautiful ang pinagsasabi mo diyan?" Maangas na tanong ko sa kanya at mukhang na-realize niya na may pagkatomboy ako. "I mean you look great! You know." He shrugged. Nagdiretso na kami sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Bakit kaya kailangan pa ng ganoong mga bagay? Magbubukas lang ng pinto, e. "How's your condo? Nagustuhan mo ba?" Tanong niya at binuksan na ang makina ng kotse niya. "Oo maganda. Kaso hindi ko pa magagamit kasi magdo-dorm ako." Tumango-tango siya. "So magkikita-kita tayo nang madalas since nasa iisang building lang ang dorm natin. Actually magkakatabi lang." Nakangiti niyang sabi habang nagda-drive. "Talaga? Nakakailang nga dahil si Maggie raw ang dorm mate ko. Hindi ako makakakilos ng normal." Sabi ko kaya natawa siya. "Magpapanggap lang naman kayo, 'di ba? Just stay who you are." Ibang magsalita si Kyle. Nakakapagtaka kung paano niya naging kaibigan si Ice. Nagpark siya sa tapat ng kanilang bahay. Medyo marami na ang bisita pero wala pa sila Ice. Buti na lang nauna ako. "Glad you made it!" Salubong ni Sean nang makarating kami ng garden kung nasaan ang venue. "Happy birthday. Next time na lang 'yung gift. Biglaan ang yaya nitong si Kyle, e." Natatawa kong sabi kaya natawa 'yung kambal. "Halika. Ipapakilala kita sa iba pa naming kaibigan." Hinila ako ni Kyle sa grupo ng mga lalaki. "Guys, I'd like you to meet Dei." Napatingin sa akin 'yung mga kaibigan niya at ngumiti. "Wow! Hot chic, ah?" Sabi nung isang lalaki. Napakamot si Kyle sa batok niya. "So, siya ba ang girlfriend mo?" Tanong pa nung isa. Nagkatinginan kami ni Kyle. "Uhh-" "Babe!" Sabay-sabay kaming napatingin sa bagong dating. Si Ice. At kasama niya si Maggie. Mabilis siyang naglakad papunta sa amin. "Ice, pare. Kasama mo pala si Maggie. Pero teka, sinong babe?" Hinawakan ni Ice ang kamay ko. "My girlfriend. Who else?" Nakangisi niyang sabi. "Oh. Sorry pre. Akala namin si Kyle ang boyfriend niya. Si Kyle kasi ang kasabay niyang dumating." Napatingin sa akin si Ice at binalingan si Kyle. "I just gave her a ride since you're with Maggie." Kyle explained. "I'm sorry, Dei.Hindi ko alam na pupunta ka pala kaya pumayag akong si Ice ang sumundo sa akin since mamaya pa makakarating si Marky." Nahihiyang sambit ni Maggie. "Naku, okay lang. Hindi naman 'yun big deal." Sabi ko. Okay lang naman kasi talaga sa akin, e. "Yeah! I know she understands." Sabi ni Ice kay Maggie. Tumingin siya sa akin at nginitian ko siya. She smiled back. "I think we should eat first!" Singit ni Sean. "Yeah! Let's eat," sang-ayon ni Kyle at tumingin sa akin. Pero agad din naman siyang nag-iwas ng tingin. "Let's go," hinila ako ni Spike papunta sa mga pagkain. Natakam ako sa mga nakikita ko. "Did you ask him to give you a ride?" Tanong niya habang nagsasandok ako ng pagkain ko. "Hindi! Nag-insist siya." Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko. Nang mapuno ang plato ko ay pumunta ako sa isang table. Nakasunod lang si Ice. "Dito ka lang. Sasamahan ko lang si Maggie doon." Tumayo siya at sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya kay Maggie. Mukha ngang kailangan niya ng kasama dahil karamihan sa bisita ay lalaki at halatang hindi close ni Maggie 'yung mga babae. Nabaling ang tingin ko nang may maghila ng upuan sa tapat ko. Si Kyle. "Oh?" Bati ko. "Where's Ice?" Tanong niya kaya tinuro ko si Spike na kasalukuyang katabi na si Maggie. "Oh," sabi niya at uminom sa beer na kanyang hawak. "He's really in love with her," nakangiti kong sabi. Napatingin ako kay Kyle nang umiling siya. "No, he's not," seryoso niyang sabi. Napakunot ang noo ko. "Anong no he's not ka diyan? Halata namang-" He cuts me off. "He's our best friend. At parehas namin ramdam ni Sean na hindi niya talaga mahal si Maggie. It was all about his pride. Hindi niya tanggap na hindi niya puwedeng makuha ang lahat ng babae." Seryoso niyang sabi habang pinapanood namin sina Ice at Maggie na nagtatawanan. "Pero sa kanya na mismo nanggaling na mahal niya talaga si Maggie," naguguluhang sabi ko. "Maybe he likes Maggie but he doesn't love her. Infatuation is the right word." "Eh paano ba malalaman kung love na ba 'yung nararamdaman?" Tanong ko. "I don't know either," tumungga siya sa bote ng beer na hawak niya. Parang may gusto siyang isagot pero hindi niya magawang buksan ang kanyang bibig. "Well, kung tama nga ang hinala niyong hindi nga niya mahal si Maggie, wala rin palang kuwenta 'tong pagpapanggap namin." Sabi ko. "I guess. Pero sakyan mo na lang muna si Spike. Matatauhan din 'yun. Malalaman niya rin ang pagkakaiba ng Love sa Like." Iba ang tono ni Kyle. Parang may itinatago siya-sila. "Sana hindi na 'to magtagal." Sabi ko na lang ipinagwalang bahala ang aking pagdududa. "Can you promise me one thing?" Bigla niyang sabi. "Ano ba 'yun?" Tanong ko at uminom sa juice ko. "Never fall in love with Ice." Literal kong naibuga ang iniinom kong juice dahil sa sinabi niya. "Are you okay?" Nag-alalang tanong niya. Inayos ko ang sarili ko at tinignan siya ng masama. "Ano bang pinagsasabi mo riyan? Talagang hindi ako mai-in love doon, 'no." Sabi ko at inirapan ko siya. Ngumiti siya. "Just saying." Nagpaalam si Kyle na may aasikasuhin lang siya saglit kaya naiwan na naman akong mag-isa. Nanghingi na rin ako ng beer para naman hindi ako masyadong ma-bore. May umupong lalaki sa kaninang inupuan ni Kyle. Hindi ko kilala. Hindi ko siya nakita kanina so baka kadarating lang niya. "Hi," sabi niya pero hindi ko siya pinansin. "I'm Frankie," naglahad siya ng kamay. Hindi ko 'yun tinanggap at nagpatuloy lang sa pag-inom sa hawak kong bote. "Eh suplada ka naman pala, e. Hoy miss, kilala mo ba 'tong ini-snob mo?" Inis niyang sabi. Napipikon na ako sa lalaking 'to. Maikli lang pasensya ko kaya konti na lang talaga... "Baka nabo-bored ka na. I can sneak you out!" Nakangisi nyang sabi. "Excuse me?" Tanging nasabi ko. "You know. We can have fun alone and have s*x!" "Eh bastos ka pala, e!" Malakas ang boses ko at ramdam ko ang tingin ng lahat ng tao. Pero wala akong pakialam. Tumayo ako at hinila ko sa kuwelyo 'yung lalaki para mapatayo rin siya. Saka ko siya sinapak. "What the f**k!" Sigaw niya nang medyo mapaatras siya. Narinig ko ang pag-gasp ng mga tao sa paligid namin. Masama ang tinging lumapit sa akin 'yung lalaki at akmang sasampalin ako nang may magsalita. "Don't you dare hurt her!" Naiwan ang kamay niya sa ere at napatingin kay Kyle. Thank you, Kyle. Galit na lumapit si Kyle at hinila niya ako at ipinwesto sa likuran niya. "Bro, she punched me! And she punches like a man!" Pinunasan niya ang gilid ng labi niya na may dugo. "Tell me, what did you do to her?" Pigil ang galit na tanong ni Kyle. "What? I didn't do anything" Mukha siyang maamong tupa ngayon. Wow! Naramdaman ko ang kamay na humawak sa wrist ko. Pag tingin ko kung sino, si Ice. Masama ang tingin niya sa akin. Hinila niya ako palabas ng gate at isinakay sa kotse niya. Sumakay rin siya agad. "What did you do, Dei Marie" Sigaw niya. "Sinapak ko siya!" Kaswal kong sagot. "God! Ano na lang ang iisipin ng mga kaibigan ko sa ginawa mo? That I have a warfreak girlfriend?" Sa pagkakaalam ko, ako dapat ang naiinis. "Sorry, ha? Sorry kung kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko!" Inis kong sabi. Bakit parang kasalanan ko pa 'tong lahat. Hindi siya agad sumagot. "Tell me, anong ginawa niya sa'yo?" Maya-maya ay kalmado na niyang tanong. "Hindi na mahalaga 'yun. Thanks to Kyle for defending me," sumandal ako at humarap sa bintana. "Hindi na ako babalik doon. Gusto ko na sanang umuwi." Sabi ko pero hindi siya sumagot at hindi niya rin pinaandar ang kotse. "Dei Marie-" "Sorry, nakalimutan kong kasama mo pala si Maggie. Uuwi na lang akong mag-isa," bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse nang pigilan niya ako. "You'll stay." Hinarap ko siya. "Ayoko. Baka may sabihin na naman ang lalaking 'yun at masapak-" "No. I won't leave you alone." Napatingin ako sa kanya ng seryoso. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming bumalik sa venue. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD