Dei's POV “Bilisan mo nga dyan Dei, ang bagal mo namang kumilos eh!” Inip na kumatok si Kuya Rick sa kwarto ko. “Saglit na lang kuya! Five minutes.,” sabi ko sabay lagay ng lipstick sa labi ko. “Pag tayo naunahan ng bridal car, patay tayo kay Kuya Sam!,” sabi niya pero narinig ko na rin naman siyang naglakad pababa. Nagmadali na ako sa pagkilos at bumaba na. Sumakay na kami sa kotse na maghahatid sa amin sa simbahan. Tatlong buwan na mula nang bumalik ako rito sa Manila. Pero mula nang bumalik ako rito ay hindi ko siya magawang puntahan. Bumalik lang naman kasi ako rito para sa kasal nina Kuya Sam at Patricia. Gusto kong makatulong sa pag aasikaso. “Handa ka na ba siya ulit makita?” tanong ni Kuya Mike pagkasakay ko palang ng kotse. Mula kanina ay ’yan na ang naririnig ko mula sa kan

