Episode 3

703 Words
Jessica's POV Naguusap sila Dyle at Chaz kaya iniwan ko nalang na hindi nagpapahalata. Napag-isipan kong pumunta muna sa Starbucks mag kape kape. Pagpasok ko sa Starbucks ay napa nganga ako sa mahal ng presyo tangina naman para kape lang. Sa bahay na nga lang ako magkape. Napatigil ako ng makita ang ex boyfriend ko. Tangina Jess umalis kana lang. Pinilit kong lumabas sa Starbucks at bumalik sa park. ........... Tangina asan na kaya yung dalawang yun. "So anong plan mo?" rinig ko ang boses ni Dyle. Anong pinaguusapan ng dalawang toh? Boses lang ni Dyle ang na ririnig ko hindi kasi malakas ang boses ni Chaz parang nahihiya. "May alam akong kompanya, malaki din ang sahod" tinitignan ko lang sila mula sa likod ng puno. "Wag kanang mahiya, we're friends naman na diba?" Wow ha friends agad kakakilala palang. Hindi na nagsalita si Dyle at ngumiti nalang. Tumayo sila sa pagkakaupo sa bench at naglakad-lakad. Tangina nahiya naman ako. Nagmumukha akong third wheel sh*t. Pasimple nang hahawakan ni Dyle ang kamay ni Chaz kaso lumayo itong frieny ko. Ma sasabunutan ko toh mamaya. Ang speed nitong si Dyle tangina, hawak agad ng kamay. Dahil sa lalim ng iniisip ko hindi na sila nasundan ng mga mata ko. Nawala nanaman haystt. Bahala nga sila uuwi nalang ako. Naglakad parin ako pauwi ayokong ubusin pera ko kakapasahe. Kakadating ko palang sa bahay sumulpot na agad si Aleng Pauline. "Ano nanaman po ba?" pagod kong tanong. "Asan si Chaz bat hindi mo kasama?" taas kilay nitong tanong. "May ka date." "Aba sino yan ha?" tumatawa nitong tanong. "Hay nako Aleng Pauline kung ako sainyo naglaba nalang ako." "Nagtatanong lang, sungit" bulong nito at pumasok sa kaniyang bahay. Pumasok nadin ako sa bahay. "San kana naman ba galing?" Sulpot ni mama. "Sa park po" sagot ko at ibinagsak ang sarili sa sofa. "Sino naman kasamo mo?" ininterview ba naman ako ni mama. "Si Chaz po" "Ah, ano may nahanap kayo?" Alam na alam na talaga ni mama kapag si Chaz kasama ko. "Meron po HAHAHA gwapo nga eh ka date ngayon ni Chaz" Sabay kaming humalakhak ni mama. "Bilis naman date agad. Oh ikaw may nahanap kaba?" "Wala HAHAHA" "Tao po, andiyan po ba si Jess?" katok sa pinto namin. "Andito bakit?" Nagtungo ako sa pinto para buksan. "Oh ikaw pala Migs?" "May naghahanap kay Chaz baka alam mo daw kung asaan" "Sino?" "Yung Alvarez" bulong nito. Bat naman ni Kei hinahanap si Chaz? Biglang sumulpot si Keil sa likod ni Migs. Wait so si Keil pala ang naghahanap hindi si Kei? "Do you know where she is?" deretso nitong tanong. "Hindi, tsaka bat niyo naman sakin hahanapin?" "Bestfriend ka niya. I know, you know where she is" hindi talaga toh papapigil. "Ano bang kailangan mo sakanya?" "I decided to hire her on my company" "May nahanap na siyang trabaho." Biglang tumunog ang cellphone sa bulsa ko. "Hello Jess?" saad ni Chaz. "Oh ano?" "Asan ka gaga?!" inis nitong tanong. "Asa bahay" "Lintik kanina kapa namin hinahanap ni Kench" "Sorry teh natae kasi ako" pagsisinungaling ko. "Hey where are you?! We have important business to talk about" "Bat andyan yan?" tanong ni Chaz. "May sasabihin daw sayo" sagot ko. "I guess you have to go" rinig kong sabi ni Dyle. "Ah on phone nalang daw sasabihin ni Keil" bawal pa siyang umuwi! "Fine, I decided to hire yo-" bago pa matapos ang sasabihin ni Keil ay nagsalita na si Chaz. "Salamat po pero uhm may inalok na si Kench na kompanya eh" pagputol ni Chaz na ikina kunot ng uno ni Keil. Tahimik na umalis si Keil at pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. "Anyare dun?" bulong ko. "Baba ko na Jess ah" pagpaalam ni Chaz bago niya binaba ang tawag. Katahimikan ang bumalot samin ni Migs. "Uhm una na ako" pagpaalam nito. Sh*t gusto ko pa siyang makausap. "Migs" lumingon ito sa'kin na nakataas ang kilay. "Wala HAHAHA panget mo" pagkukunwari ko, hindi naman talaga yun yung gusto kong sabihin. Sadyang takot lang ako sa rejection. "Salamat, ikaw din" tawa nito at tuluyan na ngang naglakad paalis. T*ngina! Ang gwapo niya tuloy pagtumatawa. San Pedro pwede mo na akong kunin!! Ngiti niya palang sulit na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD