Chazel's POV
Day off ko ngayon kaya nandito lang ako sa apartment ko nagsusulat ng mga nobela.
Napasok sa utak ko yung nangyaring eye contact. Tangina kalimutan mo na yun Chaz!
Natigil ako sa pag-iisip isip ng may kumatok sa pinto ng apartment ko.
"Teka lang!"
Pagkabukas ko ng pinto tumambad ang pagmumukha ng kaibigan ko.
"Gaga naghahanap ng sekretarya ang CEO ng Alvarez Corp!" Tili nito na parang excited na excited ikwento sakin.
"Oh tapos?" Taas kilay kong tanong.
"Edi mag-apply ka!" Sagot nito sabay pasok sa loob ng apartment ko.
"Sigurado akong madami ang mag-aapply, wala akong pag-asa diyan"
Napaupo ako sa sofa.
"Wala namang masama kung magtry ka diba?"
"Eh basta ayoko"
"Arte mo malaki daw sahod dun" irap nito.
"Magkano?!"
Shempre malaking sahod yan eh para nadin hindi na ako gaanong maghirap.
"80k to 100k a month" sagot nito dahilan para mapatayo ako.
"Gaga ang laki nga!"
"Ano g ka?"Tawa nito.
"Shempre g!"
2k to 5k lang sahod ko sa restaurant kaya mas mabuting magtry ako sa Alvarez Corp.
"Alam kong magaling ka diyan Chaz, sure akong may chance ka." saad nito dahilan para matawa ako.
"Gaga madaming mas magagaling na mag-aapply"
...........
Etoh na yung araw ng interview ko sa Alvarez corp. Tangina kinakabahan ako!
Malaki ang kompanya nila mas malaki pa yata sa mall.
Pumasok na ako sa loob ng kompanya at napanganga ako sa dami ng taong magpapa interview.
"Magpapa interview karin po ba?"Tanong ng isang babae malapit sa entrance.
"Opo"
"Pangalan?"
"Chazel Mae Cruz po" sagot ko.
"Ah sige po Mrs.Cruz maupo po muna kayo, maya maya tatawagin po pangalan niyo"
"Uhm miss hindi pa po ako kasal hehe"
"Ah ganon po ba, sorry po akala ko kasi"
"Okay lang po"
Umalis na ito sa harapan ko at nagtungo sa entrance door.
Grabe naman mukha ba akong matanda na?
...........
Isang oras na akong naghihintay na matawag ang pangalan ko.
Madami na din ang dumating para ma interview.
"Miss Chazel Cruz!" Tawag sa pangalan ko kaya tumayo na ako sa pagkakaupo.
"Ready kana ba?" Tanong ng babae.
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot
"Opo" sagot ko at binuksan nito ang pinto ng isang silid kung saan magaganap ang interview.
Pumasok na ako sa silid.
"Good morning po" bati ko.
"Good morning have a seat" si Keil lang ang tumugon sakin habang si Kei naman ay nananatiling tahimik.
"Chazel Mae Cruz right?" Tanong ni Keil
"Yes po" Sagot ko sabay bigay ng resume.
Inabot ni Keil ang resume ko kay Kei at binasa naman ito ni Kei.
Napatingin ako kay Keil na nakatingin din sakin, pero agad itong umiwas ng tingin.
Ang weird niya.
"Why do you want to work here?" Biglang tanong ni Kei.
Magiging honest ako sa mga tanong kahit ngayon lang.
"Mas malaki po kasi sahod dito"
"Okay, next" malamig nitong saad at pumasok ang babaeng nasa labas ng pinto.
May mali ba sa sagot ko? Tangina.
Ibinigay nito sakin ang resume ko.
Tangina.
Umuwi akong walang gana tangina kasi 80k a month na yun naging bato pa!
"Ano kasing nangyari girl?" Tanong ni Jess.
Ikwenento ko sakanya ang itinanong sakin at isinagot ko.
"Eh gaga anong problema dun?"
"Kaya nga eh nagsabi lang naman ako ng totoo" buntong hininga ko at napahiga sa sofa.
"Okay lang yan Chaz, malay mo magka second interview ka"
"Papaasahin mo nanaman ako?, Hay nako mas mabuting umasa sa isang tao kesa sa mga ganyan noh" saad ko at yinakap ang unan.
Nakita ko namang nagpipigil ng tawa si Jess.
"Problema mo?"
"Wala natatawa lang ako sa hugot mo"
"Tanga hindi yun hugot"
"Whatever!" irap nito sabay tawa.
"Baliw" bulong ko naman.
"So ano hot parin ba si Papa Kei?" Tawa nitong parang nababaliw na.
"Hindi noh! Tangina sinira niya yung biggest moment ko!" inis kong sigaw atsaka tinapon sakanya yung niyayakap kong unan.
"Talaga ba shermeyn?"
"tumigil ka nga Jess, pag ako magalit tingnan mo talaga" tumayo ako sa pagkakahiga at nagtungo sa kwarto.
Sumunod naman si Jess.
"Girl wag kang OA, nagbibiro lang ako" maarte nitong sabi.
"Naman kasi ano bang problema sa sagot ko!"
"Girl kalimutan mo na yun, it's their lost"
"Lost ko yun noh"
"Tama nayan, gala tayo hanap pogi" napatingin naman ako sakanya.
"Tara!"
"First time mo akong samahan ah"
Hindi ko nalang siya sinagot at lumabas na kami ng apartment ko.
"San ba tayo?" Tanong ko.
"Sa park madaming pogi dun"
"Hindi naman pogi hanap ko" buntong hininga ko.
"Sus pero atat ka magka shota?"
"Mag-iba naman yata yun"
"Maglakad nalang tayo para hindi na tayo gumastos" saad nito at tumango nalang ako.
Habang abala ako sa cellphone ko biglang hinawakan ni Jess ang siko ko at yinugyog.
"Ano?" inis kong tanong.
"Pogi!" turo nito sa lalaking nag bibike.
"Oo nga noh"
"Lapitan natin girl" sambit nito at tumakbo palapit sa lalaki.
"Ah hi po etoh kasing kaibigan ko eh naghahanap ng shota" nahiya ako dahil sa sinabi ng kaibigan ko.
Napatalikod nalang ako dahil sa sobrang hiya.
"Ah ganon ba" tugon naman ng lalaki.
"hoy girl wag ka nang mahiya"
Tangina mo Jess!!
"Anong pangalan niya?" tanong ng lalaki.
"Chazel" sagot naman ni Jess.
"Okay, I'm Dyle"
Bigla nalang akong nagulat ng makita ko itong nasa harapan ko na.
"Hi" awkward nitong sabi.
"Hello, pasensya kana sa kaibigan ko medyo baliw yan" bulong ko sakanya.
"HAHAHAHA okay lang, I'm used to it"
Tangina anong used to it?
"Ahh"
"By the way I'm Kench Dyle Reqez" Pagpakilala nito.
"I'm Chazel Mae Cruz"
nag shake hands kami.