Pagkagising ko ay nagpalit lang ako ng damit para naman makapunta sa hotel. Baka kasi hinahanap na rin ako. Nakakahiya namang hindi magpakita sa kanila. Agad ko rin naman silang nakita dahil sa masayang tugtog mula sa make up gazebo doon. Gawa sa kahoy at tela lang iyon at nakalatag ang buffet ng pagkain. I'm sure na pinagawa iyon ni Atsi para sa lahat. Almost dinner time na rin naman kaya madilim na ng bahagya ang lugar. I wrapped myself with a cardigan, sa ilalim ay isang off shoulder na white maxi dress ang suot ko, may slit iyon kaya nakikita ang binti ko kapag naglalakad. "Miss Serenity! Dito po!" tawag sa akin ng ilang doktor na nakakilala. I waved my hand to them at lumapit sa kanila. Nag-uunahan pa silang bigyan ako ng upuan. "Thank you." nakangiting sabi ko sa kanila. May

