"Galingan nating lahat ah! First game pa lang dapat panalo na tayo!" cheer ni Dr. Neo sa lahat. Ngumingiti lang ako habang nakikinig sa kanila. Naiilang pa ako dahil nakatingin si Aiden sa akin. Hindi naman ako sanay sa ganito rin kasi. Pero wala naman na akong magagawa. Andito na ako at hindi na ako pwedeng mag back out basta. "For our first game. We need 10 pairs from each department. Head of each department, kindly select your 10 pairs now!" anunsyo ni Dr. Theo. Nagkagulo ang lahat at unahan sa pagtaas ng kamay. They were all aiming for the cash prize and paid trip. Who wouldn't like it anyway. Kahit ako natutuwa sa premyo na iyon. Kung hindi lang sana ako member ng team na ito baka ako na ang nauna sa pagiging competitive. "Miss Serenity, sali ka na rin dito. Tapos bunutan na lan

