Hindi na maipinta ang mukha ni Althea ng bumaba na sila ng jeep pag dating ng tanauan. Wala din ang sasakyan ng papa nya kung saan lagi nag aabang ito kapag pauwi na sya. “I already message papa not to pick you up dahil mag kasama tayong uuwi.” “Anong di malinaw sayo sa mga sinabi ko sayo noon ha! Gusto mo bang isampal ko ulit sayo na wala ka ng babalikan pa Yoshin.” “Alam ko malinaw sa akin ang lahat at irerespeto ko yun pero wala ka naman sinabi na bawal kitang ligawan ulit.” gustong tumarak ng mata ni Althea sa sinabi nito. “At ngayon ko balak mag simula.” “At ngayon palang sinasagot kita na basted ka na kaya shoo! Shoo!” bahagya pang itinulak sa dibdib si Yoshin saka tumalikod para mag lakad patungo sa paradahan ng tricycle pauwi sa kanila. “Niks, kakauwi lang ng papa mo. Magand

