“Sinasabi ko na sayong babae ka tigilan mo na ang pag ka baliw sa mga lalaking yan.” “Aw! Aw! Aw! mama naman.” daing ni Nicole habang panay ang iwas sa malalakas na palo ng ina. Kadarating lang kasi nya di naman nya akalain na gising pa ang ina at madaling araw na. Galing sila ni Kim sa isang Kpop group concert sa manila. Pinag ipunan talaga nila ni Kim ang concert na iyon ng BTS halos mamagaw na sila kakatili sa sobrang kilig. Hanggang ngayon parang nakalutang pa sa ere ang mga paa nya sa sobrang saya. Hindi man sila nakapag pa autograp sa mga idol nila okay lang nakita naman nila ito ng malapitan. Dapat sa boarding house na sya dederetso pag kagaling sa concert kaso lang naiwan naman nya ang susi ng boarding house nya kaya napilitan syang umuwi. Si Kim naman sa bahay ng boyfriend n

